Isang jampacked na finale ang hatid ng programa dahil itotodo na nina Esang at Reynan ng Team Lea at Elha at Sassa ng Team Bamboo para ipakita ang versatility nila bilang artists.
Hindi lang isang performance ang hatid ng bawat isa dahil gaya ng naunang seasons, mayroon din silang duet kasama ang isang guest artist, isang upbeat performance, at isang ballad.
Sa apat ay medyo na-curious kami kay Reynan sa posibilidad na sumunod sa yapak ni Lyca Gairanod bilang The Voice Kids grand champion. Curious na kung saan kaya ito mag-a-avail ng house and lot worth P2-M mula Camella ng Vista Land Company.
Kaya naman nagtanong kami sa Camella at sa pamamagitan ni Ms. Avic Amarillo, nasagot ang aming katanungan. Aniya, sakaling sa Cagayan de Oro pa rin maninirahan ang mag-anak ni Reynan mayroon pa ring Camella roon.
Bongga ‘di ba? Kahit saang sulok mayroong Camella. Ito ay ang Camella Gran Europa sa Bgy. Lumbia, Cagayan de Oro. Two hours lang daw ang layo nito (kung ibabyahe) mula sa kasalukuyang tirahan ng pamilya ni Reynan.
O ‘di ba hindi na masama. Malapit din pala ito kung saka-sakali.
Sana nga’y magwagi si Reynan dahil ang dinig namin, sila ni Elha ang gustong-gustong magwagi ng house and lot.
Kaya huwag palampasin ang live na live na grand finals na bukod sa house and lot ay magwawagi rin ng recording contract sa MCA Music Inc., music instrument package, family utility vehicle, P1-M cash, at P1-M trust fund.
Ang live grand finals ng The Voice Kids Season 2 ngayong Sabado (Agosto 29), ay mapapanood sa 6:45p.m. at Linggo (Agosto 30), ng 7:00 p.m. sa ABS-CBN.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio