Wednesday , April 23 2025

Libanan natigok sa selda

082515 dead prison
PATAY na nang matagpuan ang isang presong nahaharap sa patong-patong na kaso, sa loob ng selda kahapon ng umaga sa Malabon City.

Kinilala ang biktimang si Melvin Libanan, alyas Bornok, 30, ng Phase 1B, Pabahay, Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan, nahaharap sa mga kasong tresspass to dwelling, malicious mischief at attempted homicide.

Kasalukuyang sumasailalim sa awtopsiya sa Philippine National Police (PNP) crime laboratory ang bangkay ng biktima upang mabatid kung ano ang kanyang ikinamatay.

Batay sa nakalap na ulat mula kay Senior Supt. Severino Abad, hepe ng Malabon City Police, dakong 9:45 a.m. nang matuklasang bangkay na ang biktima sa loob ng detention cell ng Station Detention Management Unit  (SDMU) ng nasabing himpilan.

Ayon sa kapwa preso na si Rolando Buico, nagtataka sila kung bakit wala sa isinasagawang headcount si Libanan dahilan upang tawagin siya sa loob ng selda ngunit hindi sumasagot kaya pinuntahan ng jail officer na si PO2 RozenApostol.

Ginising ang biktima ngunit hindi kumikibo kaya humingi ng tulong sa rescue team. Sinubukang i-revive ang biktima ngunit hindi na humihinga.

Nabatid na drug dependent si Libanan kaya hinihinalang ito ang dahilan ng kanyang pagkamatay. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

P45-M illegal diaper plaridel bulacan

Sa Plaridel, Bulacan
P45-M ilegal na diaper nasabat 

NASAMSAM ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra ilegal na kalakal, …

Dead Road Accident

Sa Bacolod
Disgrasya sa prusisyon ng Biyernes Santo lider ng mga Layko, 2 pa patay

IPINAGLULUKSA ng Diyosesis ng Bacolod ang pagpanaw ng isang lider ng mga layko at dalawang …

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *