Sunday , December 22 2024

Estudyante ‘wag pilitin sa field trip — DepEd (Babala sa titsers)

BINALAAN ng Department of Education (DepEd) ang mga guro na huwag pilitin ang mga estudyante na sumama sa taunang “lakbay aral” o field trip.

Ayon kay DepEd Assistant Sec. Tonisito Umali, puwedeng tanggihan o hindi sumama ang isang estudyante at batay aniya sa kautusan ni Sec. Armin Luistro, maaaring hindi pasamahin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa taunang lakbay aral na isinasagawa ng mga paaralan.

Dagdag ni Umali, dapat ay magpadala muna ng sulat ang isang kinatawan ng isang paaralan sa magulang ng mga bata na nagsasaad na papayagan nilang sumama sa field trip ang kanilang mga anak o hindi.

Aniya, hindi sapilitan ang field trip at dapat ay ginagawa ito na may kaugnayan sa asignatura ng mga mag-aaral.

Kung sakaling hindi makakasama ang isang bata sa lakbay aral ay maaaring bigyan ng substitute na assignment na may kinalaman din sa kasaysayan ng bansa.

Binalaan ni Umali ang mga paaralan na namimilit sa kanilang mga estudyante na sumama sa field trip, at hinimok ang mga magulang na magreklamo sa kanilang tanggapan. (ED MORENO)

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *