Friday , April 25 2025

Gun for hire group leader utas sa shootout (Parak sugatan)

PATAY ang sinasabing lider ng gun for hire group habang nasugatan ang isang pulis nang magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad laban sa nasabing grupo sa Malabon  City  kahapon  ng tanghali.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakukuha ang pagkakakilanlan ng suspek na namatay makaraan makipagbarilan sa mga pulis.

Habang ginagamot sa Chinese General Hospital si PO1 Nixon Ponchinian, miyembro ng Special Reaction Unit (SRU) ng Malabon City Police, tinamaan ng bala ng baril sa paa.

Samantala, walo sa mga suspek ang naaresto ng mga awtoridad makaraan magpasyang sumuko nang makitang patay na ang kanilang pinuno.

Base sa inisyal na impormasyong nakalap mula sa Station Investigation Division (SID) ng Malabon City Police, dakong 11:30 a.m. nang magsimula ang bakbakan ng mga pulis at ng mga suspek at natapos bago mag-alas tres ng hapon.

Bago ang insidente, nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng Navotas City Police sa Malabon City Police nang matukoy ang pinagkukutaan ng mga suspek sa isang bahay sa Pampano St., Brgy. Longos.

Agad nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Navotas at Malabon City Police at nang papalapit na sila ay biglang pinaputukan ng mga suspek.

Bunsod nito, gumanti ng putok ang mga awtoridad na ikinamatay ng suspek.

Sinasabing nagpaplano ang mga suspek na pumatay ng isang pulis-Navotas upang maipaghiganti ang pagkamatay ng isa pa nilang lider na si Mercury Rodrigo na napatay ng mga pulis makaraan mang-agaw ng baril.

About Rommel Sales

Check Also

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Neri Colmenares

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice …

042425 Hataw Frontpage

10 pulis-QC sibak sa ibinangketang ‘Marijuana’

ni ALMAR DANGUILAN SINIBAK sa puwesto ang sampung pulis ng Quezon City Police District (QCPD) …

Vico Sotto

Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal

MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si …

Joey Salceda

Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors

LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *