Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nikko Natividad, dalawa agad ang pelikula

081915 Nikko Natividad

00 Alam mo na NonieKAHIT newcomer pa lang ang grand winner sa Gandang Lalaki segment ng It’s Showtime na si Nikko Natividad, humahataw na agad ang kanyang showbiz career.

Kasama siya sa pelikulang Iglap ni Direk Neil Buboy Tan at sa Pare Mahal Mo Raw Ako, na pinagbibidahan nina Michael Pangilinan at Edgar Allan Guzman at mula sa pamamahal ni Direk Joven Tan.

Natutuwa si Nikko dahil unit-unting nagkakaroon ng katuparan ang kanyang mga pangarap sa buhay.

“Masaya po ako kahit na small role po. Alam ko naman po na may plano ang Diyos sa akin. Kaya ang ginagawa ko, tiyaga lang po at enjoy sa trabaho. Ang mahalaga po ay hindi po ako nawawalan ng project,” saad ng talent ni katotong Jobert Sucaldito.

Ano ang role niya sa mga pelikulang ito? “Doon po sa Iglap, kontrabida po ako. Doon sa isa pang movie, magbabarkada po kami nina Michael.”

Bading ba ang role mo sa movie ni Michael? “Hindi po ako bakla, pero may makaka-affair po akong transgender.”

Nabanggit pa ng 21 year old na Bulakenyo na si Coco Martin ang idol niya at gustong sundan ang yapak.

“Si Coco Martin po ang idol ko, magaling po kasi siya. Iyong pag-arte niya ay may hugot talaga na parang napagdaanan niya. Na parang pareho kami, waiter din ako sir e, pareho kaming mahirap at pareho kaming maagang nagtrabaho.

“Kaya inspirasyon ko sir si Coco at gusto kong gayahin siya na isang magaling na actor,” saad pa ni Nikko.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …