Saturday , April 26 2025

Kagawad itinumba ng vigilante (Nag-sideline sa pagtutulak ng shabu)

0816 FRONTPATAY ang isang barangay kagawad na sinasabing sideline ang pagtutulak ng droga, makaraan pagbabarilin ng dalawang miyembro ng vigilante group sa harap ng kapilya na lamayan ng patay sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela Medical Center ang biktimang kinilalang si Fernando “Boy” Vergara, 58, kagawad ng Brgy. Panghulo at residente sa Tahimik St., sanhi ng dalawang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa dibdib.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang mga suspek na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat nina PO3 Rommel Habig at PO3 Erwin Gupaal, dakong 4:45 a.m. nakikipaglamay sa burol ng isang kalugar at habang nakaupo ay dumating ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek na nakasuot ng helmet.

Bumaba ang isa sa mga suspek at nilapitan ang biktima saka walang sabi-sabing pinagbabaril si Vergara.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang dinala ng mga kaanak ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

Pahayag ng barangay chairman ng Panghulo na si Esmer Borja, sangkot si Vergara sa pagpapakalat ng ilegal na droga sa kanilang barangay at minsan ay pinayuhan niyang tumigil na hanggang sa mapatay ang biktima.

About Rommel Sales

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *