Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lance Raymundo, gusto ulit sumabak sa teleserye

081415 Lance raymundo

00 Alam mo na NonieNAKABIBILIB na apat-apat ang pelikula ng versatile actor/singer na si Lance Raymundo. Kabilang sa either natapos na niya o tinatapos na ang Makata ni Direk Dave Cecilio. Kasama niya rito sina Sam Concepcion, Diane Medina, Rez Cortez, Rosanna Roces, at iba pa. Isa pang pelikula niya ang Beyond That Door na bukod sa kanya ay tinatampukan din nina Mara Lopez, Ervic Vijandre, Cholo Baretto, at iba pa.

Ginagawa niya sa kasalukuyan ang Matangtubig ni Direk Jet Leyco para sa QCinema 2015. “I’m a mala-Atom Araullo type na reporter from the most famous network and I’m very famous reporter din. I’m probing a sensational murder case in the town of Matangtubig.”

Ang fourth movie ni Lance ay  Manang Biring na first time na gagawin sa bansa, na ga-gamit ng kakaibang animation technique.

“Ito ‘yung kauna-unahang Filipino movie na totoong artista ‘yung ginamit, kami, pero sa mo-vie ay magiging cartoons kami. So kami mismo, parang sa post production, parang ile-layer ‘yung cartoons sa amin. So, hindi na kami idinrowing, kami mismo ‘yung gumagalaw. Pero mukha kaming cartoons.”

Dagdag niya, “So, makikita ko ang sarili ko bilang isang cartoon. Pero hindi ito tulad ng Paddington, hindi ba boses ni Xian (Lim), tapos ay bear, hindi ba? Eto, kami mismo, so the whole time ay nagfi-film kami sa isang special na studio.”

Recenlty, na-nominate si Lance bilang Best Supporting Actor For Foreign Language Film sa Madrid International Film Festival 2015 para sa pelikulang Gemini ni Direk Ato Bautista.

Nabanggit din ni Lance na after gumawa ng kaliwa’t kanang indie films ay gusto niyang su-bukan namang mag-TV ulit.

“Happy ako sa takbo ng career ko. After ng four indie films, kung ibibigay ni Lord na magkaroon ako ng teleserye, magiging extra happy ako,” nakangiting wika ni Lance.

ALAM Mo NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …