Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbabalita ng kasalang Vassy at Ozu, wala raw pahintulot

080615 ozu ong Camay Cojuangco
AYAW pag-usapan ni Vassy ng Batchmates ang walang permisong pagbabalita umano ng TV Patrol na pinakasalan niya ang yumaong Masculados member na si Ozu Ong kahit patay na.

Isang pastor umano ang nagbigay sa kanila ng basbas at may video rin kaming nakita na hinalikan niya si Ozu.

“Ayaw ko ng write-up,” sey niya nang dumalaw kami sa burol ni Uzo sa Transfiguration of Christ Parish Church and Columbarium sa Antipolo.

Pero iginiit ng kanyang manager na si Lito de Guzman na napabalita na ito sa TV.

“Hanggang doon na lang ‘yun,” katwiran niya.

“Blessing lang ‘yun,” pagdi-deny pa niya.

Pero ayon sa aming source, bago namatay si Ozu ay balak na nilang magpakasal kaya itinuloy umano ni Vassy kahit isang malamig na bangkay na ang live-in partner.

Dalawa ang anak ni Vassy kay Ozu. Ang bunso nila ay nasa tatlong buwan gulang pa lang at ang panganay ay wala pang isang taon.

Inilibing kahapon, Sabado si  Ozu.

Grace, super nami-miss ang amang si FPJ

grace poe fpj

SA mga panahong ito, hindi maitago ni Senator Grace Poe ang kanyang pangungulila sa amang si Fernando Poe Jr..

Inamin ni Senator Grace na miss na miss n’ya si Da King lalo na’t kinakaharap n’ya ang malaking desisyon kung ano ang plano n’ya para sa 2016 elections.

Marami ang nag-uudyok sa senadora na tumakbo bilang pangulo at marami rin namang nag-aambisyon na maging bise presidente sana nila si Senator Grace.

Hindi nahihiyang ikinuwento ni Poe na kung nabubuhay si FPJ ay kokunsultahin niya ito sa mga hakbang na dapat n’yang tahakin o kung anong direksiyon ang dapat puntahan.

“Alam naman ng marami na independent minded ako at marami akong desisyon na ako lang ang nagpasya, nakaka-miss din na wala si FPJ. Gusto ko rin naman ibahagi sa kanya kung ano man ang narating ko at saan ako naroroon,” pahayag ni Senator Grace.

Dagdag ng senadora, “Yung issues na ibinanabato nila noon sa tatay ko, parehong isyu rin ‘yon na itinatapon ng ilang kampo laban sa akin.”

Sa darating na August 20 ay 76th birthday ni Da King na lalo pang nagpa-miss sa senadora sa kanyang yumaong ama

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …