Saturday , May 3 2025

Obrero kritikal, 1 pa sugatan sa saksak ni lolo (Nagkasagutan sa inoman)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang obrero habang sugatan ang isa pa makaraan saksakin ng isang 60-anyos lolo na kainoman ng mga biktima kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Armel Laquindanum, 28, ng 129 Mapalad St., sanhi ng isang tama ng saksak sa dibdib.

Pinauwi na makaraan gamutin ang sugat sa hita ng kasama niyang si Lorene Dela Cruz, 18, ng 139 Marikit St., kapwa ng Brgy. Tangos.

Pinaghahanap ang suspek na si Abraham Mangali, 60, ng 149 Masipag St., mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Sa ulat ni PO2 Allan Bangayan, dakong 8 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa nasabing barangay.

Dakong 5 p.m. nagsimulang mag-inoman ang grupo ngunit nang malasing na dakong gabi ay nagkaroon ng pagtatalo.

Ang pagtatalo ay humantong sa suntukan hanggang kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak sa dibdib si Laquindanum.

Tinangkang umawat ni Dela Cruz ngunit sinaksak din siya ng suspek na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

About Rommel Sales

Check Also

050225 Hataw Frontpage

Sa SCTEX toll plaza
12 PATAY, 28 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN

HATAW news Team HINDI bababa sa 12 katao ang naiulat na binawian n buhay habang …

PAPI Senate Survey

Bong Go, Marcoleta, at Tulfo Nanguna sa Kalye Survey ng mga Motorista at Mamimili sa Palengke

Nanguna sina Senator Bong Go, Rep. Rodante Marcoleta, at broadcaster Erwin Tulfo sa isang kalye …

Arrest Caloocan

Wanted sa Bulacan, arestado sa Caloocan

NALAMBAT ng Caloocan police ang isang 33-anyos akusado na wanted sa kasong pagpatay sa Bulacan …

high temperature sun heat Trabaho Partylist

Sa pagkamatay ng ilang traffic enforcers sa Iloilo
TRABAHO Partylist, nanawagan ng pambansang pagpapatupad ng Heat Stroke Break Policy

NANAWAGAN ang #106 TRABAHO Partylist para madiinan ang pagpapatupad ng “heat stroke break policy” mula …

Makato Aklan

Barangay leaders sa Aklan naghain ng DQ vs vote buying

DALAWANG barangay captain mula Makato, Aklan ang naghain ng petition for disqualification sa Commission on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *