Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangilinan: Ipagdasal natin ang World Cup

080615 gilas pilipinas fiba
NANAWAGAN kahapon ang pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Manny V. Pangilinan sa lahat ng mga Pinoy na ipagdasal na mapunta sana sa Pilipinas ang pagdaraos ng 2019 FIBA Basketball World Cup.

Nakatakdang lumipad si Pangilinan patungong Japan ngayon upang dumalo sa pulong ng FIBA Central Board tungkol sa kung sinong bansa ang magiging punong abala pagkatapos ng  torneong ginanap sa Espanya noong isang taon.

“Sana lang ipagdasal niyo kami. Sana mag-Tweet kayo, Facebook kayo, in support of #PUSO2019,” pahayag ni Pangilinan sa www.interaksyon.com/aktv. “It would be great to demonstrate FIBA na nagte-trend tayo, na mga Filipinos in social media promoting the Philippine bid. Makakatulong ‘yun.”

Ang Tsina at ang Pilipinas na lang ang mga bansang natitira para sa karapatang idaos ang World Cup.

Gagawin ang presentasyon ng dalawang bansa bukas simula 5:30 ng hapon at sa Linggo na malalaman ang bansang mananalo sa bidding.

Nanawagan din si Pangilinan na gawing trending topic sa social media ang #PUSO2019 mula ngayon hanggang Biyernes.

Ayon pa rin kay Pangilinan, magiging malaking tulong para sa ating bansa ang pagiging mahilig sa basketball at ang madalas na paggamit ng social media para sa pagdaraos ng FIBA World Cup.

Kapag nangyari ito ay awtomatikong lalaro ang Pilipinas sa torneo at hindi na ito dadaan sa mga qualification tournaments ng FIBA. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …