Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

CAB parang MOA-AD, dapat ibasura ng SC — Alunan

Nanawagan si dating Department of Interior and Local Government secretary Rafael Alunan III sa Supreme Court (SC) na kaagad ibasura ang Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB) na minadali ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) para maipasa sa Kongreso ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

“Dapat nang i-scrap ng mga mahistrado ang CAB dahil clone lamang ito ng MOA-AD (Memorandum of Agreement on Ancestral Domain) na unang ibinasura noong panahon ni GMA (Gloria Macapagal Arroyo),” diin ni Alunan. “Patago at fast break ito noon at gayundin ngayon dahil may hidden agenda ang dalawang panig na lumagda sa CAB—ang pagkalas ng Mindanao sa Filipinas.”

Nilinaw ni Alunan na kapag ibinasura ng SC ang CAB, awtomatikong magiging null and void ang lahat ng sub-agreements na nakapalaoob dito kabilang ang BBL.

“May kahulugan ang CAB-BBL na pagkalas sa hinaharap ng Mindanao sa Pilipinas. Sa pananaw ng mga nagtutulak dito, ang BangsaMoro ay hiwalay na bansa na may hiwalay na gobyerno. Ang katagang ‘Basic Law’ ay understood sa buong mundo na Konstitusyon,” giit ni Alunan.

Ayon kay Alunan, masyadong minadali ang CAB kahit katulad lang ito ng MOA-AD na nanga-ngahulugan nang lubos na pagsasarili ng Mindanao mula sa Filipinas.

“Done deal na sa mga tagasuporta nito ang CAB at pinalalabas na ang mga residente lamang ng ARMM (Autonomous Region in Muslim Mindanao) ang magre-reject o mag-a-affirm sa CAB-BBL pero ang totoo ay nakataya rito ang pambansang interes at may epekto sa buong bansa,”  dagdag ni Alunan. “Ibasura natin ang mapanlinlang na BBL! Itaguyod ang isang Bansa, isang Konstitusyon at isang Bandila!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …