Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nikki Bacolod at Min Yasmin, tampok sa Two Voices

073115 Nikki Bacolod Min Yasmin

00 Alam mo na NonieAMINADO si Nikki Bacolod na na-miss niya ang mundo ng showbiz. Huling napanood si Nikki sa teleseryeng Dyosa na pinagbidahan noon ni Anne Curtis. Game naman daw si Nikki na muling subukan ang pag-arte kung may magandang offer. Pero tatapusin muna daw niya ang BS Marketing course niya sa De La Salle University dahil three months na lang ay ga-graduate na siya.

Sa ngayon, ang pagiging recording artist muna ang kanyang haharapin. Ka-duet niya ang Malaysian recording star na si Min Yasmin sa single na Sa Iyo na madalas ng napapakinggan ngayon sa radio.

“Magandng opportunity po itong dumating sa akin and thankful po ako dito. Kilalang singer si Min sa Malaysia at ire-release rin doon ang album na pinagtulungan naming gawin,” saad ni Nikki.

Dagdag pa niya, “Min Yasmin was like a big sister to me and took really good care of me. Lagi akong pinapakain. Our album has two Malay songs, two English songs, and the rest are in Tagalog. She taught me how to pronounce the Malay lyrics correctly and I taught her naman the Tagalog words.”

Unique ang concept ng album na Two Voices dahil nagsanib ang talents ng dalawang artist mula sa magkaibang bansa. Matapos ng kanilang promo tour sa Pilipinas, lilipad naman si Nikki sa Malaysia para mag-promote ng kanilang album.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …