Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Metro Manila nagsama-sama sa ‘shake drill’

NAGSAMA-SAMA ang maraming mga lugar sa Metro Manila sa pagsasagawa ng kauna-unahang pinakamalaking earthquake drill bilang bahagi ng awareness campaign sa pinangangambahang malakas na lindol.

Naging hudyat sa pagsisimula ng drill ang 30 segundong alarma dakong 10:30 a.m., na ini-ere ng mga himpilan ng radyo, telebisyon, bombero, pagtunog ng mga kampana sa simbahan at iba pa bilang simulation ng 7.2 magnitude na lindol.

Hindi lamang ang milyong katao mula sa government offices kundi maging private establishments, tulad ng malls, barangays, estudyante ang nagsagawa ng iba’t ibang mga scenario sa pangunguna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Phivolcs, NDRRMC at local government units.

Pangunahin sa pinagpraktisan ang “drop, cover, and hold.”

Nagsilbing Command Center sa aktibidad ang bahagi ng ASEANA grounds sa Pasay City at sa lungsod ng Marikina.

Naging tampok sa nasabing lugar ang simulated helicopter rescue at ipinakita ang pagligtas sa naipit na biktima sa nag-collapse na bahay.

Ang mga empleyado ng Malacañang ay nakibahagi rin sa quake drill.

Nagsama-sama ang ilang gabinete at opisyal sa AFP headquarters sa Camp Aguinaldo sa Quezon City upang makilahok sa isinagawang metrowide shake drill.

Nagsipagtago rin sa ilalim ng mesa sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, ang chairman ng NDRRMC, DSWD Secretary Dinky Soliman, DoTC Secretary Jun Abaya, NDRRMC Executive Director Alexander Pama, AFP chief Gen. Hernando Iriberri at DILG Secretary Mar Roxas.

Solons absent sa Earthquake Drill

WALANG mambabatas na nakiisa sa Metro Manila earthquake drill ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes. 

Pawang mga empleyado lamang ng Kamara at Senado ang nakibahagi sa pagsasanay na nagsimula dakong 10:30 a.m.

Tulad ng mga drill sa ibang lungsod, tampok sa Batasan ang mga dapat gawin sa evacuation, pagsiklab ng mga apoy at pagtatayo ng command posts. 

Sa kabila nito, inihayag ni Senate Office of Sergeant at Arms (OSAA) chief Jose Balajadia, inaasahan nilang handa ang mga senador sa dapat gawin sakaling tumama ang malakas na lindol dahil nakibahagi ang kanilang staff.

Earthquake drill ‘di sinipot ni PNoy

MISMONG si Pangulong Benigno Aquino III ay hindi sumali sa earthquake drill kahapon sa kabila ng utos sa lahat ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan at paghimok sa pribadongs sektor na lumahok sa naturang aktibidad.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., naka-monitor si Pangulong Aquino sa progreso ng shake drill sa kanyang official residence na Bahay Pangarap sa PSG compound.

Tumanggap aniya ang Pangulo ng reports mula sa National Disaster Risk Reduction Management Council(NDRRMC) at MMDA sa isinagawang earthquake drill.

Desisyon aniya ng Pangulo kung hindi siya lumahok sa itinakdang shake drill sa Palasyo.          

“It was the President who decided what he would do during the MMQuake drill,” ayon kay Coloma.

Ngunit wala raw sakit ang Pangulo at nasa maayos na kondisyon kahapon sa kabila ng reklamo na masama ang pakiramdam sa huling SONA nitong Lunes at hindi pa siya nagpakita sa publiko mula noon.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …