Sunday , December 22 2024

Magdyowang estudyante kinasuhan ng infanticide (Sariling sanggol itinapon)

BACOLOD CITY – Nakatakdang sampahan ng kasong infanticide ang magkasintahan na nagtapon ng kanilang sanggol sa Negros Occidental.

Napag-alaman mula kay Supt. Herman Garbosa, hepe ng Kabankalan City Police Station, kanilang hinuli ang magkasintahan na kapwa estudyante sa isang unibersidad.

Aniya, ang lalaki ay 19-anyos residente ng Kabankalan City, at ang babae ay 20-anyos, residente ng Bantayan, Cebu, parehong third year college student ng Central Philippine State University sa kursong Information Technology (IT).

Batay sa imbestigasyon, magkasama sa boarding house ang dalawa kaya nabuntis ang babae ngunit kanilang itinago sa kani-kanilang mga magulang dahil sa takot na mapagalitan.

Nitong Biyernes ng gabi ay nag-labor ang babae kahit pitong buwan pa lamang ang ipinagbubuntis. Dadalhin sana ng lalaki sa ospital ngunit tumanggi ang babae kaya sa isang silid lamang ng unibersidad nanganak.

Sa kagustuhang maitago ang nangyari ay kanilang inilagay sa bag ang sanggol at iniwan sa taniman ng saging sa loob ng paaralan.

Ngunit dahil sa pag-alala at kaba sa kanilang ginawa, dumulog sila sa kanilang landlady na siyang nagsabi sa guwardiya ng paaralan.

Sa tulong ng lalaki ay nahanap ang sanggol na dinala sa school clinic ngunit dahil sa maselang kalagayan ay ini-refer sa ospital sa Kabankalan City ngunit hindi na naagapan at namatay. (HNT)

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *