Sunday , December 22 2024

Mag-asawa iginapos holdaper arestado

ARESTADO ang isang 27-anyos padyak driver makaraan igapos at holdapin ang mag-asawang negosyante sa Tondo, Maynila kahapon.

Himas-rehas sa Manila Police District (MPD) Raxa Bago police station ang suspek na si Jardick Bardos, residente ng 17-C Andromeda St., Tondo, Maynila.

Habang nakatakas ang kasama ng suspek na si Jay-Ar Pedire, ng Sto. Niño St., Tondo.

Kinilala ang mga biktimang sina Ronald Simbling, 55, at Eveleny, 53, ng 88-D Herbosa St., Tondo.

Ayon kay Supt. Redentor C. Ulsano, ang hepe ng Manila Police District Station 1, dakong 4 a.m. nang holdapin at igapos ng dalawang suspek ang mag-asawa habang sila ay natutulog sa loob ng kanilang warehouse sa Brgy. 110, Zone 9, District 1, sa Tondo.

Ngunit makaraan ang insidente ay agad nagsumbong ang mag-asawa sa Don Bosco PCP na agad nagsagawa ng follow-up operation.

Nadakip si Bardos habang ibinebenta sa murang halaga ang  kahon-kahong used cooking oil na nagkakahalaga ng P100,000 ngunit nakapuga si Pedire.

Inamin ni Bardos na kaya nila hinoldap ang mag-asawa ay dahil sa malaking pagkakautang sa sindikato ng bawal na droga.

L. Basilio

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *