Sunday , December 22 2024

PNoy inupakan si Binay sa SONA

0729 FRONTMAANGHANG ang naging buwelta ni Pangulong Noynoy Aquino sa tumiwalag sa gabinete na si Bise Presidente Jejomar Binay sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA).

 Maliban sa pagbati sa simula ng talumpati ay hindi nakasama sa mga pinasalamatang miyembro ng gabinete si Binay.

Napuruhan pa ni PNoy si Binay lalo na nang itulak ng Pangulo ang pagpasa ng Anti-Dynasty bill ng Kongreso, para pagbabawalan ang mga miyembro ng isang pamilya na sabay-sabay humawak ng kapangyarihan.

Ang pamilya ni VP Binay ang isa sa mga pinakamalaking political dynasty sa bansa ngayon. Senador ang kanyang panganay na anak na si Nancy, congresswoman ng Makati ang isang anak na si MarLen Abigail at mayor ang kanyang si Junjun.

Sa Office of the Vice President naman nagtatrabaho ang kanyang anak na si Anne at dating mayor ng Makati ang asawang si Elenita.

Tila sinagot na rin ni PNoy ang mga paratang na “teka teka” at manhid daw ang kanyang administrasyon at sinabing “E di wow.”

Halatang nainis si Binay sa buwelta ng Pangulo sa kanya dahil nagmamadaling umalis ng Batasan at hindi nagpa-interview sa media.

Sinabi naman ng kanyang anak na si Congw. Abby na hindi nila nararamdaman na sila ang pinapasaringan ni PNoy.

Taliwas ito sa naging pahayag ng isang tagapagsalita ni VP Binay na si Mon Ilagan na pumalag lamang sa mga sinabi ng Pangulo ngunit wala namang iba pang binanggit.

Kahit kahapon, sa pagbubukas ng Security Congress APAC, mukhang tameme pa rin si VP Binay nang tanungin ng mga miyembro ng media. “In due time,” paiwas na sagot niya.

Samantala, panalong-panalo naman si DILG Secretary Mar Roxas sa halos pag-eendorsong papuri sa kanya ni PNoy.

“You can’t put a good man down,” sabi ni PNoy tungkol kay Roxas. “Sa patuloy nilang paninira, ang mga kritiko mo na rin ang nagpapatunay na takot sila sa angkin mong integridad, husay, at kahandaan sa trabaho,” anang Pangulo.

Isa si VP Binay sa mga patuloy na naninira kay Roxas, habang tahimik na nagtatrabaho ang huli.

Hinimok ng Pangulo si Roxas na huwag panghinaan ng loob sa darating na mga buwan.

Pinayuhang “Tulad ng pagtitiwala ng nanay at tatay ko, magtiwala kang alam ng taumbayan kung sino ang tunay na inuuna ang bayan, bago ang sarili.”

Maaalalang ang mga katagang “bayan muna bago ang sarili” ang mismong mga salitang ginamit noon ni Roxas nang magbigay-daan siya sa kandidatura ni PNoy noong 2009.

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *