Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jana Agoncillo, tampok sa seryeng Ningning ng ABS CBN

072715 Jana Agoncillo Ningning

00 Alam mo na NonieMAPAPANOOD na ngayong Lunes ang pinakabagong daytime teleserye ng ABS-CBN na pinamagatang Ningning. Makikita rito ang kagandahan ng buhay, pangarap, at tunay na kahulugan ng kaligayahan. Ang teleseryeng ito na mula rin sa mga gumawa ng ‘di malilimutang kuwento ng Be Careful With My Heart at Oh My G ay pagbibidahan ng Kapamilya child actress na si Jana Agoncillo.

Matapos makilala ng mga manonood sa charming primetime teleserye na Dream Dad, bibigyang buhay naman ni Jana sa pinakabagong feel-good Prime-Tanghali teleserye ng ABS-CBN ang karakter ni Ningning, isang masayahing bata na puno ng pag-asa, pangarap, at pagmamahal para sa kanyang mga magulang na sina Lovely (Beauty Gonzales) at Dondon (Ketchup Eusebio).

Dapat abangan ng mga manonood na sa gitna ng masayang mundong ginagalawan ni Ningning at ng kanyang pamilya ay unti-unting susubukin sila ng isang malaking pangyayari. Kaya pa bang maging maningning ng kanilang buhay sa gitna ng mga pagsubok na ito?

Ayon sa direktor ng programa na si Jeffrey Jeturian, bilib siya kayJana dahil sa husay nito bilang isang artista. “One of a kind star si Jana. Bukod sa may talent siya, napakatalino niya para sa edad niya. Alam niya ang ginagawa niya at palagi siyang handa sa mga eksena na gagawin niya. Kabisado niya hindi lang ang mga linya niya kundi pati ng mga artistang ka-eksena niya. Ganoon siya ka-smart.”

Kasama rin nina Beauty, Ketchup, at Jana sa Ningning sina Sylvia Sanchez, Vandolph Quizon, Nyoy Volante, Rommel Padilla, Mercedes Cabral, Pooh, at John Steven de Guzman. Tampok din sina Nonie Buencamino at Franco Daza para sa kanilang espesyal na partisipasyon.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …