Sunday , December 22 2024

May-ari ng Kentex Gatchalian kasuhan — DoJ (Sa sunog sa pabrika)

INIREKOMENDA ng Department of Justice na sampahan na ng kasong administratibo at kriminal ang mga may-ari ng Kentex Manufacturing Corporation at ilang opisyal ng Valenzuela kaugnay sa sunog noong Mayo 13.

Pinakakasuhan na rin ang mga empleyado ng Ace Shutter Corp., ang kompanyang responsable sa isinagawang welding sa nasunog na pabrika ng tsinelas na mahigit 70 ang namatay.

Kabilang sa mga sasampahan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide and multiple physical injuries sina Terrence King Ong (operations manager ng Kentex); Rosalina Uy Ngo (may-ari ng Ace Shutter Corp); Oscar Romero (empleyado ng Ace Shutter Corp); at Wilmer Arenal (empleyado ng Ace Shutter Corp) 

Samantala, paglabag sa fire code at anti-graft and corrupt practices act ang inirekomendang isampa kina Valenzuela Mayor Rex Gatchalian; Atty. Renchi May Padayao (office head ng Business Permit and Licensing Office [BPLO]); Eduardo Carreon (Licensing Officer ng BPLO); F/Supt Mel Jose Lagan (sinibak na hepe ng Valenzuela BFP); F/SInp Edgrover Oculam; at SFO2 Rolando Avendan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *