Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Villar: NP-NPC walang alyansa para kay Chiz

0724 FRONTIKINAGULAT kahapon ni Senadora Cynthia Villar ang lumabas na balitang may nabuo nang alyansa sa kanyang partidong Nacionalista at Nationalist People’s Coalition para suportahan ang sinasabing pagtakbo nina Senadora Grace Poe at Senador Chiz Escudero sa 2016.

Lumutang ang balita sa isang press conference ni Rep. Giorgidi Aggabao na sinabing buo na ang alyansa ng NP at NPC. 

“I do not know what is the basis of Nationalist People’s Coalition President Giorgidi Aggabao for claiming that NPC and the Nacionalista Party are forming an alliance to support the candidacy of Sen. Grace Poe as president and Sen. Francis Escudero as vice president,” bungad ni Villar sa isang statement na inilabas ng kanyang opisina.  

Inamin ni Villar na pati ang kanyang asawa na si NP President at dating Senador Manny Villar ay nagulat sa naging balita.

“NP is in the middle of consultation within its ranks, and we have set a September deadline before we can officially announce our participation in the May 2016 polls,” sabi ng senadora.  

Mukhang ikinainis ni Senadora Villar ang pakikialam ni Aggabao sa NP.

Idiniin ni Villar na wala pang plano ang Nacionalista. “To reiterate, we have to first determine the plans of our own members before we can express support for non-members,” ani Villar.

Parehong hindi miyembro ng NP sina Poe at Escudero.  

Pati mga miyembro ng NPC ay nagulat sa deklarasyon ni Aggabao.

Ayon sa isang kongresista, walang basbas ng partido ang mga statement ni Aggabao.

“NPC has not made any decisions about 2016. Especially about Chiz. Hindi pa namin nakakalimutan  ang ginawa niya noong 2009,” aniya.

Noong 2009, kumalas si Escudero sa NPC dahil hindi pumayag ang partidong suportahan ang ambisyon niyang kumandidatong pangulo.   

Kinompirma ito ng isa pang source na nagulat din sa mga lumabas sa press conference ni Aggabao.

“Boss Danding (Cojuangco) has not authorized anyone to speak for the party. We still belong to the administration coalition kaya nakagugulat ‘yung sinabi ni Gigi. It is not the stand of the party,” aniya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …