Saturday , December 21 2024

Seguridad sa SONA kasado na — PNP

HANDA na ang pulisya para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Lunes, Hulyo 27.

Ayon kay PNP chief Director General Ricardo Marquez, nasa 99.99 percent nang handa ang kapulisan sa paglalatag ng seguridad.

Sinabi ni Marquez, mayroon na lamang kailangan pag-usapan at ayusing kaunting “finishing touches” na kanilang tatalakayin sa gagawing final coordinating conference.

Bilang bahagi ng conference ang pagpresenta ng kanilang security plan sa loob at labas ng House of Representatives sa Presidential Security Group (PSG).

Pahayag ni Marquez, ang presentasyon ng PNP ng kanilang security template sa PSG ay para ipakita na handang handa ang PNP sa pagbibigay seguridad sa pangulo.

Sinabi ni Marquez, ang ipatutupad na seguridad sa SONA ay nakasentro sa tinatawag na ‘whole government approach.’

Ayon pa sa heneral, lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay magtutulong-tulong nang sa gayon maging maayos at matagumpay ang pagpapatupad ng seguridad gaya nang magiging papel ng MMDA na tututok sa traffic.

Sa ngayon, tikom ang PNP kung mayroon silang augmentation forces mula sa kalapit probinsiya para tumulong sa pagbibigay seguridad sa Metro Manila maging ang bilang ng mga pulis na kanilang ide-deploy sa Lunes.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *