Sunday , December 22 2024

Angat Dam kompirmadong nasa ibabaw ng West Falley Fault

NAKOMPIRMANG nasa ibabaw at malapit sa West Valley Fault ang ilang bahagi ng kinatatayuan ng Angat Dam na matatagpuan sa Hilltop, Brgy. San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan.

Dahil dito, nabatid na delikado sa pinangangam­bahang 7.2 intensity na lindol kaya sinisimulan na ang rehabilitasyon ng water reservoir para patatagin ito.

Ito ang ipinahaya­g ni Engr. Russel Rigor, Senior Dam Operation Engineer ng Angat Hydropower Corporation (AHC), sa pakikipagpulong sa matataas na opisyal ng provincial government ng Bulacan.

Kaugnay nito, kinompirma rin ni Rigor na sinimulan na ang pinakahihintay na rehabilitasyon at pagsasaayos ng Angat Dam sa Norzagaray.

Ayon sa opisyal, kasalukuyang nasa pro­seso ng “pre-construction” ang ilang bahagi ng Angat Dam, na ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ay nakatayo ibabaw at malapit sa West Valley Fault line.

Micka Bautista

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *