Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Director General Ricardo Marquez, the right man for the right job!

SWAK sa posisyon bilang hepe ng 120,000 strong Philippine National Police (PNP) si 4-star general Ricardo Marquez.

Prior sa kanyang appointment bilang pinuno ng pulisya, deputy director for operations at naging punong-abala bilang task force commander ng Pope Francis Visit noong Enero ng taong kasalukuyan.

Si Marquez din ngayon ang nakatutok sa gaganaping Asia Pacific Economic Conference (APEC) sa Cebu City sa papasok na Agosto.

Nag-umpisa ang police career ni Marquez, 30 years ago makaraang magtapos na pang-16 sa kanyang class sa Philippine Military Academy (PMA) noong 1982.

From then on, ipinakita ni Marquez ang kanyang galing sipag at determinasyon sa pagtupad ng kanyang sinumpaang tungkulin.

Sa panayam ng media sa low profile na heneral, nasabi niya na gaya ng pagiging presidente ng bansa, ang paghirang sa kanya bilang chief ng pambansang pulisya ay masasabi rin ‘destiny.’

Walang makapagsasabi nito o makahuhula.

Bago pa man hirangin ng Pangulong Benigno Aquino III ang hahalili sa nagretirong si Deputy Director Leonardo Espina, maraming espekulasyon kung sino nga ba ang masuwerteng papalit bilang chief PNP. Maraming  pangalan ang lumutang, isa na nga rito si Marquez na masasabing ‘dark horse’ sa pilian.

Naging ‘break through’ umano sa pagpili ni PNoy ay noong Holy Week, na si Marquez ang naatasang mag-monitor at humanap sa 170 arriving passengers na posibleng carrier ng nakatatakot na  MERS-CoV upang mapigilan ang posibleng paglaganap nito sa bansa.

Considering na holy week at karamihan sa mga opisyal ng pulisya ay nasa malayong bakasyon, napansin umano ng Pangulong Aquino si Marquez sa kasipagan nito.

Ganito rin halos ang papuring maririnig sa mga kasamahan ng opisyal sa PNP.

‘Extremely hardworking’ ang definition ng kanyang mga kapwa opisyal sa mamang heneral.

Isa si DILG Secretary Mar Roxas sa pumupuri kay Marquez na ayon pa sa Kalihim ay isang opisyal na may proven track record.

Sa pag-upo ni Marquez sa top post ng PNP, sinalubong agad ng kontorbersiyal na pangyayari nang isang grupo ng mga pulis mula sa MPD Sampaloc Station ang nag-viral sa social media sa ginawang ‘extra judicial killing’ (salvage) sa isang hinihinalang holdaper.

Agad na ipinag-utos ng chief PNP ang pagdisarma at paglalagay sa ‘technical arrest’ sa nasabing mga pulis.

Unang marching order ni Marquez sa buoong PNP ang deployment ng nakararaming pulis sa lansangan kaysa mga presinto.

Ang ibig sabihin, yaong mga dating nagpapalaki lamang ng ‘balls at tiyan ’ sa headquarters at sa presinto ay kailangan na ngayong masikatan ng araw sa labas.

Nakita ni Director Marquez ang malaking kakulangan sa police visibility na deterrent sa mga nagaganap na krimen.

Ngayon ngang dead serious ang bagong talagang hepe ng pambansang pulisya na lagyan ng pulis ang mga lansangan on a 24/7 basis, nakatitiyak tayong malaki ang maitutulong nito sa pagbaba ng crime rate partikular sa Metro Manila.

Malaking luwag ito sa kalooban ng mga magulang na ang marami sa kanilang mga anak ay biktima ng lawless elements.

Pinupuri natin ang ‘choice’ ng ating mahal na Pangulong Aquino kay PNP Chief Ricardo Marquez na para sa inyong lingkod ay ‘THE RIGHT MAN FOR THE RIGHT JOB.

Mabuhay ka General Marquez sir!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rex Cayanong

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …