Sunday , December 22 2024

3 CAFGU todas sa ambush (Sa Misamis Oriental)

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang tatlong kasapi ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) habang pabalik na mula bakasyon sa Brgy. Hindangon, Gingoog City, Misamis Oriental kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang sina Ferry Abao, Ferman Abao at Fredo Sarlo, residente sa nasabing bahagi ng lalawigan.

Inihayag ni 58th IB, Philippine Army spokesperson Capt. Ernesto Endoso na ang ginawang pang-aatake ng mga rebelde ay hayagang gawaing terorista dahil lahat ng mga biktima ay nakasibilyan at walang bitbit na baril.

Sinabi ni Endoso, hindi pa man nakarating sa army patrol base ang mga biktima ay hinarang na sila at pinaulanan ng mga bala dahilan sa agaran nilang pagkamatay.

Isa aniya itong divertionary tactics ng rebeldeng grupo dahil patuloy ang kanilang rescue operation sa kasama nilang si PFC Adonis Lopiba na unang nabihag noong sumiklab ang enkwentro sa Brgy. Alagatan, Gingoog City.

Tinukoy rin ni Endoso na ang Guerilla Front 4-A ng mga rebelde na nagmula sa Caraga Region ang umatake sa kanilang mga tauhan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *