Sunday , December 22 2024

9 patay sa gumuhong minahan sa Antique

ILOILO CITY – Siyam ang patay sa muling pagguho ng bahagi ng coal mine sa Semirara Island sa Caluya, Antique.

Sa inisyal na report, nangyari ang insidente dakong 4 a.m. kahapon ng madaling-araw sa Panian pit.

Ayon kay Antique Gov. Rhodora Cadiao, umabot sa siyam ang namatay batay sa pagkompirma sa kanya ni Victor Consunji ng Consunji Group na may-ari ng minahan.

Tatlo pa lamang aniya sa mga bangkay ang na-recover batay sa text message na ipinaabot sa kanya.

Ayon sa gobernadora, ilang araw na rin nakararanas ng pag-ulan sa isla bago nangyari ang pag-collapse ng wall dakong madaling araw.

Patuloy ang pangangalap ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga biktima.

Ang nabanggit na minahan ay pag-aari ng Consunji Group, na noong 2013 ay gumuho rin ang ilang bahagi na ikinamatay ng lima katao.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *