Sunday , December 22 2024

Supply ng bigas  sapat – NFA (Ngayong lean months)

TINIYAK ng National Food Authority na sapat ang supply ng bigas sa bansa ngayong lean months.

Inilahad ni NFA Administrator Renan Dalisay, nitong Hulyo nagsimula ang lean season na inaasahang magtatagal hanggang Setyembre.

Ngunit dahil sa epekto ng El Niño, maaari rin aniyang umabot ito hanggang Oktubre.

Aniya, “Nagsimula na ang El Niño pero maganda naman na umuulan-ulan, nakikita natin kaya nakapagtanim na rin ang ating mga magsasaka. Pero pinaghahandaan pa rin natin ito kasi sabi ng DoST-PAGASA, baka pagdating ng October, November ay mayroon pa ring El Niño, severe pa rin ang El Niño.”

Ipinaliwanag ni Dalisay, para hindi gumalaw ang presyo ng bigas sa merkado ay kailangan ng buffer stock na tatagal sa loob ng 30 araw.

Nakompleto aniya ito ng ahensiya makaraan mag-angkat ng 500 metriko tonelada ng bigas mula sa Vietnam at Thailand.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *