Sunday , December 22 2024

Hindi kapos sa pilotong Pinoy – CAAP

NILINAW ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang kakapusan sa bilang ng mga piloto sa bansa.

Inilahad ni Capt. Beda Badiola, associate director general ng CAAP Flight Standard Inspectorate Service (FSIS), “Hindi totoong nagkakaroon tayo rito ng shortage ng mga piloto. In fact, we have 41 flying schools na continuously nagti-train ng mga piloto natin.”

Katunayan aniya, marami rin dayuhang nag-aaral sa flying schools sa Filipinas dahil sa mas murang pagsasanay rito.

Aminado si Badiola na may nag-aalisang mga pilotong Filipino para magtrabaho sa ibang bansa dahil sa mas malaking suweldo ngunit hindi nauubusan ng licensed pilots sa bansa.

Dagdag ng opisyal, malaki ang demand sa mga pilotong Filipino sa ibang bansa dahil na rin sa angking husay nila.

Batay sa tala ng CAAP, mayroon ang Filipinas ng 2,605 commercial pilot license-holders, 91 helicopter pilots, 538 airline transport pilots, 66 multi-crew pilots, 46 private helicopter pilots, 2,769 private pilots, 4,074 student pilot license-holders, at 68 student helicopter pilot license-grantees.

Patuloy aniya ang paghihikayat ng CAAP sa mga nais maging piloto.

“It’s one of the highest-paying jobs. At saka, ‘yun na nga, sa expansion ng world aviation, it’s really in need of more pilots. Sabi nga, we’ll need about 20,000 more pilots for the next seven years,” paliwanag ni Badiola.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *