Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald, mas enjoy ng walang GF

INI-ENJOY ni Gerald Anderson ang pagiging loveless. Hindi raw siya naghahanap pagkatapos nilang mag-split niMaja Salvador.

“Masaya ako sa nangyari. rito muna ako sa tahimik,” sey niya nang makatsikahan namin siya sa BargnFarmaceutici Philippines Company’s Beauty and Wellness Event na ginanap sa Event Center ng SM Megamall. Endorser si Gerald ng Cosmo Cee Vitamin C Supplement.

Marami raw siyang na-realize sa buhay. Marami rin siyang pagkakamali at failure pero unti-unti raw siyang natututo at nagiging mabuting tao. Nasaktan din daw siya pero kailangang mag-move-on.

Ito raw ‘yung perfect time para i-improve niya ang sarili. Pag-aralan ang mga mali niya at kung ano ang mga tamang ginagawa niya.

May nagtanong kung magiging mapili na ba siya sa magiging next girlfriend? Gusto ba niya ay non-showbiz na?

“Hindi ko alam, hindi ko masasabi. Kung sino po ang nandiyan. Pero marami pa akong dapat matutuhan sa sarili ko,” tugon niya.

Samantala, mukhang kaya na ni Sarah Geronimo na makasama siya na mag-perform sa ASAP. Ready na rin ba siya na makatrabaho ang ex-girlfriend?

“Ako ang maiilang. Ako ang mahihiya kasi magaling siyang performer,” deklara niya.

Happy na at blooming daw si Sarah kaya ‘wag na silang ikonek. Pero kung halimbawa na may magandang proyekto para magsama ulit sila sa isang pelikula, honored daw siya na makatambal ulit ang Pop Princess.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …