Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek, lucky charm ng contestants sa Happy Truck ng Bayan

 

00 Alam mo na NonieONE month after ng pilot episode ng happiness-on-wheels sa Sunday noontime program ng TV5, patuloy pa rin ang Happy Truck Ng Bayan sa paghahatid ng saya’t lingguhang fiesta sa bansa.

Last July 12, isa na namang masuwerteng contestant ang nag-uwi ng jackpot prize! Wagi si Aldrin Santos sa total cash prize na P225K mula sa Kwarta o Kwartruck segment ng show. Bago ito, siya’y itinanghal na Barangay Most Wanted tapos umangat laban sa 150 niyang mga kapitbahay at kapit-barangay.

Nakatulong sa tagumpay ni Aldrin ang Happy Truck Ng Bayan host na si Derek Ramsay na siyang nagturo sa masuwerteng “Kwartruck”. Dahil feel ni Derek na kargo niya ang kapalaran ni Aldrin at ng kanyang asawa, sinaluhan niya ito sa Kwartruck para kung ano man ang bumagsak sa mag-asawa ay kasama siya. Suwerte namang ang jackpot prize pala ang nandoon sa pinili nilang “Kwartruck”.

Pansin ng fans na may dalang suwerte si Derek sa programa. Sa pilot nito sa Tondo, itinuro ni Derek ang “Kwartruck” ni Gelli at saktong nandito ang jackpot. Ang unang jackpot winner na si Prince, pinili naman ang “Kwartruck” na kinatatayuan ni Derek na sakto ring kinalalagyan ng jackpot.

Samantala, bida naman ang mga machong construction workers na mayroong talino at talent sa bagong segment dito na O.C.W. (Ooooh, Construction Worker!). Instant hit agad sa mga audience at netizens ang personality search na ito! Pinag-usapan sa social media ang “O.C.W.” tapos ang pasikatan ng mga machong konstru ng kanilang mga sexy moves at patunayang sila ang “man for the job”.

Maaring mag-audition sa “O.C.W” sa TV5 Novaliches, Quezon City o kaya’y magpadala ng mga picture at contact details sa http://Facebook.com/HappyTruckNgBayan

Sakay na sa biyaheng happy at samahan sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Gelli De Belen, Mariel Rodriguez-Padilla, Derek, Jasmine Curtis Smith, Empoy, Tuesday Vargas, Kim Idol, Eula Caballero, Ritz Azul, Alwyn Uytingco, Martin Escudero, Tom Taus, Toni Aquino, Vin Abrenica, Sophie Albert, Chanel Morales, Akihiro Blanco, Shaira Mae, at Mark Neumann sa Happy Truck Ng Bayan every Sunday, 11:30PM sa TV5!

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …