Friday , November 15 2024

P3.6-B projects sa PSA aprub kay PNoy

BINIGYAN na ng go signal ni Pangulong Benigno Aquino III ang mahigit dalawang bilyong pisong proyektong pang-impraestraktura at P1.6 bilyong computerization project sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa isang kalatas, sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang mga nasabing proyekto ay inaprobahan sa ika-18 National Economic Development Authority (NEDA) Board Meeting sa Palasyo na pinangunahan ni Pangulong Aquino.

Kabilang rito ang NAIA Expressway Project, Phase II na isasakatuparan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maglilipat sa alignment mula sa Domestic Road sa Parañaque River/Electrical Road na tutustusan ng P2.04B na manggagaling sa national budget.

Kasama rin sa inaprubahan ang Daang Hari-SLEX Link Road Project ng DPWH na nagkakahalaga ng P223-M na magmumula rin sa pambansang budget.

Habang isasailalim sa public bidding ang P1.587-B Civil Registry System Information Technology Project ng Philippine Statistics Authority.

Sinabi ni Coloma, ang susunod na agenda ng NEDA Board Meeting ay Bonifacio Global City at Ortigas Road Link Project na inaasahang magpapaluwag ng trapiko sa EDSA at C-5 Road.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *