Sunday , December 22 2024

Misis na may saltik pinatay ni mister

CAGAYAN DE ORO CITY – Masusing iniimbestigahan ng pulisya kung nagpakamatay o pinatay ang babaeng may diperensiya sa pag-iisip sa Brgy. Retablo, Libertad, Misamis Oriental kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Herocencia M. Pagalan, nasa hustong gulang, at nakatira sa nasabing lugar.

Habang nasa kustodiya ng Libertad Police Station ang asawa niyang si Isabelo Pagalan.

Ayon kay Senior Inspector Michael Lacasan ng Libertad Police Station, kanilang hinuli si Pagalan dahil sinira at ginugulo ang mga ebidensiya sa crime scene. Nasa sahig na anila ang labi ng biktima at tinanggal na rin ang lubid na nakatali sa kanyang leeg.

Ngunit iginiit ni Isabelo, nagpakamatay ang kanyang misis at tatlong araw nang hindi kumakain.

Naniniwala ang pulisya na may foul play sa pagkamatay ng biktima.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *