Thursday , May 2 2024

Chinese nat’l, 2 pa timbog sa droga

ARESTADO ang isang Chinese national at dalawa niyang kasama sa pagsalakay ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bisa ng search warrant sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang mga suspek na sina Patrick Martin (Ching Qin Ang), 48, negosyante; Wilson Resurreccion, 37, at Adrian Bersola, 45-anyos.

Ayon sa ulat, bitbit ang  search warrant na ipinalabas ni Judge Primo Sio ng RTC Branch 23, Cabanatuan City, inaresto si Martin sa kanyang bahay sa Brgy. Bulihan ng nasabing probinsya, gayon din sina Resurreccion at Bersola.

Narekober sa operasyon ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitibang ng 1.6 grams, at apat strip ng aluminum foil.

Jethro Sinocruz

About hataw tabloid

Check Also

Navotas

Navotas magpapatupad ng bagong oras sa trabaho

MAGPAPATUPAD ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng bagong iskedyul ng oras sa trabaho simula 2 …

gun shot

Nurse, 1 pa todas
SENGLOT NA SEKYU SUMEMPLANG 2 TUMULONG PINAGBABARIL

ISANG nurse at isang pang lalaki ang namatay sa pamamaril ng lasing na rider, nang …

road accident

7-anyos, nanay, 1 pa patay, 17 sugatan sa bus na nawalan ng preno

PATAY ang tatlo katao kabilang ang isang 7-anyos na batang babae, ang kanyang nanay, at …

Las Piñas KALINISAN Bagong Pilipinas clean-up drive

Las Piñas nagsagawa ng KALINISAN sa Bagong Pilipinas clean-up drive

INILUNSAD ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at pamahalaang lungsod ng Las …

050124 Hataw Frontpage

Naririnig ko lang na may perks… pero hindi itong MLM scheme – DOH chief
BELL KENZ TUMANGGING SANGKOT SA MULTI-LEVEL MARKETING

ni Niño Aclan ITINANGGI ng kompanyang Bell Kenz Pharmaceutical, Inc., ang akusasyon na sangkot sila …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *