Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Samboy Lim patuloy sa paggaling

 

070615 SAMBOY LIM

UNTI-UNTING nagpapakita ng senyales na makakabangon uli ang dating PBA superstar na si Avelino “Samboy” Lim.

Noong Biyernes ay naging matagumpay ang angioplastic operation ni Lim sa Medical City sa Ortigas kung saan binuksan ang dalawang blockages sa dalawa niyang mga artery patungo sa kanyang puso.

Ayon sa kanyang dating maybahay na si Lelen Berberabe ng Pag-IBIG Fund, unti-unting gumagalaw ang bibig, mata at binti ni Lim at napapaiyak na siya, bukod sa kanyang pag-ngiti at paggalaw ng kanyang mga daliri.

“Me, his brother Bonbon and our daughter Jaime are arranging for quarterly check-ups in the hospital,” wika ni Berberabe. “His doctors said his recovery is amazing since he was admitted in alpha coma or a state of no awakening.”

Sa ngayon ay kailangan pa ng physical therapy si Lim bago siya tuluyang gumaling at tatlong nars ang nagbabantay sa kanya sa loob ng tig-walong oras na shift.

Bukod pa rito ay dalawang physical therapists ang bumibisita kay Lim tatlong beses isang linggo upang mag-checkup sa kanya.

Matatandaan na biglang hinimatay si Lim habang naglaro siya ng isang pick-up game sa Ynares Sports Arena sa Pasig noong Nobyembre.

ni James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …