Sunday , December 22 2024

Mison ng BI kinuwestiyon sa Beijing at Guam trips

misonPATULOY ang paglitaw ng iba pang mga anomalya sa Bureau of Immigration (BI) na may kaugnayan sa mga unang reklamo laban kay Commissioner Siegfred Mison sa Tanggapan ng Ombudsman gaya ng kasong graft and corruption na may kinalaman sa kanyang mga paglabag sa mandato ng ahensiya at karapatan ng mga em-pleyado.

Kabilang sa kinukuwestiyon kay Mison ang kanyang nakaraang biyahe sa Beijing at Guam mula Abril 2 hanggang 5, 2015.

Hiniling ni Atty. Faizal Hussin, president ng BUKLOD ng Kawani, asosasyon ng  empleyado ng Bureau of immigration (BI), sa Department of Justice (DoJ) na imbestigahan ang nasabing mga biyahe  ni  Mison  kung opisyal o personal dahil walang official itinerary.

“May kaugnayan ba ang mga biyaheng ito sa usaping suhulan na kinasasangkutan ni Wang Bo at ang misteryosong pagpapalaya kay Fu Gao Feng mula sa BI detention cell isang linggo bago siya (Mison) pumunta ng Beijing via PR-358 at bumalik sa Maynila mula sa Guam via UA-183?”  tanong ni Hussin. 

Napag-alaman din na isang babaeng pinangalanan na Valerie Galang Norona, alyas Valerie Concepcion, na sinasabing karelasyon umano ni Mison, ang kasabay bumiyahe sa parehong eroplano at sa nabanggit na petsa patungong Beijing at nagbalik sa Maynila mula sa Xiamen via MS-819 noong Abril 5, 2015.

“Dapat ipaliwanag ni Mison ang dahilan ng biyahe niya sa abroad alinsunod na rin sa kanyang slogan na ‘good guys in, bad guys out’ sa Bureau of Immigration,” diin ng BI intel chief.

Naging paksa rin si Mison sa apela kay Pangulong Aquino na humihiling na tanggalin siya sa puwesto bilang hepe ng BI dahil umano sa ‘betrayal of trust’ o pagkakanulo sa tiwala ng publiko, at paglihis sa adhikain ng administrasyong Aquino na tahakin ang “daang matuwid.”

Sa bukas na liham sa Pangulo, ipinaliwanag ni BI intelligence chief Atty. Faizal Hussin, nanunungkulang presidente ng employees union ng ahensiya, “hindi dapat itinalaga si Mison bilang Immigration commissioner dahil sa simula pa lang (ng kanyang career sa sebisyo publiko) nagpakita na siya ng masamang karakter at tiwaling intensiyon.”

Tinutukoy ni Hussin ang pagsumite ni Mison noong 2011 ng mali at sobra-sobrang claim para sa reimbursement ng kinonsumong gasolina, parking at toll fees para sa kanyang opisyal na service vehicle, at gayon din para sa kanyang mga pribadong  sasakyan,  na umabot sa P43,467.58.

Ipinunto rin ni Hussin ang ilan pang mga insidente na nagpakita ng kuwestiyonableng pagkatao ni Mison, kabilang na ang pagpapalaya at pagkawala ni Fu Gaofeng, isang Chinese national na nahuling nagtatrabaho sa Filipinas nang walang kaukulang permit o visa; ang pagkakanlong sa illegal alien na si Yuan Jin Hua, alyas Wilson Ong Cheng; at ang payola issue kay Wang Bo.

Binanggit din ng hepe ng BI intel ang pagbulsa ni Mison ng P2.5 milyon mula sa BI Express Lane Trust Fund sa pamamagitan ng ilegal na pagkolekta ng mga overtime pay at bonus, kahit sa ilalim ng Section 284 ng Government Accounting Rules and Regulation (GARR) ay nagtatakda na ang tulad ni Mison na isang bureau director ay walang karapatang tumanggap ng ganitong insentibo. “Ang tangka ni Commissioner Mison na mag-padding sa reimbursement ng kinonsumong gasolina, parking at toll fees at ang patuloy na pagtanggap niya ng overtime pay ay salungat sa mga regulasyong nakapaloob sa anti-graft and corrupt practices,” ani Hussin.

Nagbanggit din ang sources sa Malacañang ukol sa pagdududa ng ilang mga kaalyado ni  Pangulong Aquino sa katapatan ni Mison dahil sa ilang mga polisiya nitong lihis sa kampanya ng Pangulo laban sa korupsiyon, kabilang na ang pagbibigay ng pabor sa anak ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na si Mikee Arroyo, na kilalang mainit na kritiko ng administrasyong Aquino.

Napag-alaman na pinayagan ang batang Arroyo sa utos umano ni Mison sa mga immigration officer na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport para makaalis ng bansa kahit walang allow departure order (ADO).

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *