Sunday , December 22 2024

VP Binay ‘iniangat’  ng tagapagsalita ni PNoy

PINURI ng isa sa mga tagapagsalita ni Pangulong Benigno Aquino III ang accomplishments ni Vice President Jejomar Binay sa limang taon niya bilang miyembro ng gabinete, isang araw makaraan upakan nang todo ng Bise-Presidente ang administrasyon.

Sa paglulunsad ng UNA bilang political party kamakalawa ay tinawag ni Binay ang administrasyong Aquno na “lazy, slow, indecisive.”

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa press briefing kahapon sa Ma-lacañang , binigyan pa ng komendasyon ni Pangulong Aquino si Binay sa trabaho niya bilang hou-sing czar at wala ring hindi mabuting komentaryo sa pagiging presidential adviser on OFWs.

“Siya po ay naglingkod bilang pangalawang pangulo sa loob ng kulang lang ng isang linggo sa limang taon at siya po ay naging kinatawan ni Pangulong Aquino sa iba’t ibang international state functions. Siya rin po ay kabilang sa Gabinete ng Pangulo. Noon namang nakaraan, nasa public record naman po ‘yon, na binigyan ng komendasyon ni Pangulong Aquino si Vice President Binay sa kanyang trabaho sa housing sector. Wala rin naman po tayong nakalagay sa record na hindi mabuting komentaryo tungkol sa kanyang ginawa naman sa OFW (overseas Filipino workers) sector na kung saan siya rin ay presidential adviser,” ani Coloma.

Mistula pang isinulong ni Coloma ang kandidatura ni Binay sa 2016 presidential elections nang sabihin na ang performance ni Binay ay maaaring gawing batayan ng mga botante.

“Sa kahuli-hulihan, siguro po ‘yon din ang ikokonsidera ng ating mga mamamayan kapag pormal na siyang naghain ng kanyang certificate of candidacy although he has already publicly declared that he is a candidate. Kaya ‘yon na lang po, ‘yon naman po ang maaaring gawing batayan ng ating mga mamamayan sa pagtaya sa kanyang naging performance as a vice president,” dagdag ni Coloma.

Inilitanya rin ni Coloma ang accomplishments ng limang taong administrasyong Aquino.

Ilang minuto makaraan ang press briefing ay umugong na biglang ipinatawag ng Pangulo si Coloma dahil sa tila pag-endoso niya kay Binay.

Ngunit sa isang text message sa Hataw, sinabi ni Coloma na ang paghaharap nila ng Pangulo kahapon ay isang regular meeting lang.

“Hindi, regular meeting lang,” ayon sa text message ni Coloma sa HATAW nang tanungin kung ipinatawag siya ng Pangulo dahil sa mga pahayag tungkol kay Binay.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *