Sunday , December 22 2024

36 patay sa paglubog ng bangka sa Ormoc

0703 FRONTTACLOBAN – Umaabot na sa 36 katao ang patay sa paglubog ng motor banca sa karagatan ng Ormoc kahapon ng tanghali.

Ayon kay Capt. Pedro Tinampay ng Philippine Coast Guard Eastern Visayas, 36 bangkay na ang narekober.

Habang sinabi ni Lt. Gamit ng Ormoc police, 173 ang sakay ng MB Nirvana B nang lumubog.

Mula ang bangka sa Ormoc pier at patungo sana ng Camotes Island sa Cebu.

Sinasabing overloaded ang MB Nirvana habang masama ang panahon kahapon sa Ormoc.

Nasa 127 katao na ang nasagip ng mga awtoridad.

Patuloy pa ang search operation sa 10 pang missing na pasahero.

Leonard Basilio

Rescue operation sa lumubog na bangka paigtingin (Utos ni PNoy sa PCG)

INATASAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang Philippine Coast Guard (PCG) na paigtingin ang rescue operation para hanapin ang lahat ng nawawalang pasahero nag lumubog na bangka sa Ormoc City kahapon.

“President has been apprised of the incident and has directed PCG to exert all efforts to look for those who remain missing. We continue to monitor the progress of the rescue,” sabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *