Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grae Fernandez, humahataw ang showbiz career!

 

070115 Grae fernandez

00 Alam mo na NoniePATULOY sa paghataw ang showbiz career ng young actor na si Grae Fernandez. Sobra ang kasiyahan niya nang maging bahagi ng top rating TV series ng ABS CBN na Pangako Sa ‘Yo na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

After ng serye nilang Bagito na tinampukan ni Nash Aguas, ito ang next TV series ni Grae. Ayon sa kanya, sobra ang pasasalamat siya sa pagkakasali rito. “Sobrang happy po ako at saka sobrang thankful kay God. Kasi, sobrang iconic po talaga yung Pangako sa ‘Yo at para mapabilang sa isa sa cast niyon, sobrang thankful po talaga ako.

“Ang daming stars dito, sina Kuya Daniel Padilla Ate Kath (Kathryn Bernardo) at marami pa po. Star-studded ang cast nito, tapos napasali ako roon. So, sobrang thankful po ako, sobrang saya ko,” naka-ngiting pahayag ni Grae.

Sinabi rin ng 13 year old na binatilyo ang role niya sa Pa-ngako Sa ‘Yo.

“Ang pangalan po ng cha-racter ko rito is Jonathan. Tapos parang mag-best friends po kami ni ate Yna or si ate Kath, Kathryn Bernardo, tapos seminarian po ako rito na gustong magpari. Magkakaroon po ako ng ka-love team dito bale,” masayang wika pa niya.

Aminado rin si Grae na nang una niyang nalamang bahagi siya ng remake ng teleseryeng ito, sobra raw siyang ki-nabahan.

“Kinabahan po ako noong unang sinabi na, ‘Grae kasama ka dito sa Pangako Sa ‘Yo.’ Kasi, hindi ko pa po actually na-meet si Kuya Daniel at saka si ate Kath. So, sobrang kinaba-han po ako noong una.

“Kasi parang grabe, hindi ko po kasi alam yung mga personalities nila kung mabait ba sila or what. Pero noong nakilala ko po sila, sobrang welcoming po sila at sobrang bait. Kaya nang nasa set na, nawala na po yung kaba ko.”

Bukod sa Pangako Sa ‘Yo, tinatapos na rin nga-yon ni Grae ang unang pelikula niyang pinamagatang Crossroads na tina-tampukan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

“Ako po ‘yung youngest son nina Tito Richard and Tita Dawn at ako po ‘yung pinaka energetic, ako po ‘yung pala-ging nagpa-patawa, ako po ‘yung parang pinaka-full of energy sa family.”

May teleserye ka ngayon at ginagawa mo na rin ang first movie mo, sa palagay mo ba ay ito na ang year para umarangkada ang career mo?

“Tungkol po sa bagay na iyan, siguro po ang masasabi ko lang po ay very thankful talaga ako kay God, kasi ang dami kong nakukuhang blessings mula sa Kanya. Tsaka sana po, wish ko na magustuhan po ng mga tao ‘yung nagagawa kong projects para sa kanila,” naka-ngiting wika pa ng anak ni Mark Anthony Fernandez.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …