Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Salsal sa harap ng biktima bagong modus ng kawatan (Sa Ilocos Sur)

VIGAN CITY – Iniimbestigahan ng PNP-Vigan kung sino ang nasa likod ng bagong modus operandi ng pagnanakaw na nagma-masturbate ang suspek sa harap ng bibiktimahin sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Sa nakuhang impormasyon, isang babaeng kinilalang si Joan Escobia ang unang biktima ng nasabing modus operandi.

Sa salaysay ng babae, nangyari ang insidente dakong 2 a.m. sa tapat ng kanyang pinagtatrabahuang burger stand sa Mabini Street, Brgy. 3, Vigan City.

Aniya, biglang nagpakita ang hindi nakikilalang suspek sa harap niya at saka nag-masturbate o naglaro ng kanyang ari.

Dahil sa gulat at takot na baka siya magahasa, tumakbo palayo ang babae at nagtungo sa bayan ng Bantay.

Ngunit nakalimutan niyang dalhin ang bag niya na may lamang pera, iba’t ibang identification cards at isang unit ng cellphone, bumalik siya sa pinangyarihan ng insidente ngunit napag-alamang wala na ang kanyang bag.

Pinaniniwalaang modus ng mga magnanakaw na gulatin ang kanilang bibiktimahin sa pamamagitan ng pagma-masturbate at kapag tumakbo ang biktima ay saka pagnanakawan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …