Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

10-anyos nalunod, 2 kapatid 1 pa ligtas sa tumaob na bangka

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang 10-anyos batang babae habang nakaligtas ang dalawa niyang kapatid at isa pang kalaro nang tumaob ang sinasakyan nilang rubber boat sa karagatang sakop ng Dipolog City kamakalawa.

Batay sa ulat mula sa Dipolog City police station, pumunta sa dalampasigan para maligo ang magkakapatid na sina Angelica Guaduario Ubando, 10; Andrea Guaduario Ubando, 9; Angela Guaduario Ubando, 8, at ang isa pa nilang kalaro na si Angelo Narit, 12.

Sumakay sa bangka na walang kasamang matatanda.

Sinabi ng mga nakaligtas na biktima, habang nakasakay sila sa naturang rubber boat ay bigla silang hinampas nang malakas na alon kaya tuluyang tumaob.

Nagawang maiahon ng tatlong biktima ang kani-kanilang sarili at sa tulong din ng ilang mga residente sa lugar ngunit nawawala ang biktimang si Angelica.

Nagsagawa ng search and recovery operation ang mga awtoridad sa lugar at makalipas ang ilang oras ay narekober ang bangkay ng bata.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …