Sunday , December 22 2024

P4-M hiling ng mga naulila sa Kentex fire (Para mag-atras ng kaso)

HUMIHINGI ng P4 milyon ang bawat pamilyang namatayan sa nasunog na pabrika ng Kentex Manufacturing upang iurong ang mga kasong isinampa laban sa mga may-ari ng kompanya.

Magugunitang iba’t ibang paglabag ang nasilip sa natupok na pagawaan sa Ubong, Valenzuela City na ikinamatay ng 72 indibidwal noong Mayo 13.

Nanindigan si Atty. Remegio Saladero, abogado ng mga kaanak ng mga namatay sa sunog, maliit lamang ang alok ng Kentex na P150,000 para iatras ang mga kaso laban sa kanila.

Dahil dito, pinayuhan ni Saladero ang mga kaanak na huwag pumirma sa quit claim dahil mahihirapan na silang maghabol sa korte oras na tanggapin nila ang inaalok na danyos.

Ngunit nilinaw ng abogado na alinsunod sa batas ay maaari pa ring ituloy ang isang kasong kriminal kahit na pumayag na sa quit claim ang complainant.

Kabilang sa mga kasong kinakaharap ng Kentex at sub-contractor nitong CJC Manpower Services, ang reckless imprudence resulting in multiple homicide and physical injuries; paglabag sa Republic Act (RA) No. 6727 o Wage Rationalization Act kaugnay sa minimum wage, hindi tamang pagbabayad ng holiday pay at rest day; at paglabag sa SSS Law na isinampa sa Valenzuela Prosecutor’s Office.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *