Sunday , December 22 2024

Comelec dapat magmadali para sa 2016 polls — election lawyer

 INIHAYAG ng isang election lawyer na dapat nang ma-daliin ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkakasa sa 2016 elections. 

Idiniin ni Atty. Romulo Macalintal, hindi pa rin natutukoy ng Comelec ang sistemang susundin sa pambasang halalan, nasa isang taon bago ito sumapit. 

Dahil dito, iginiit ng abogado na mas mabuti pang ipagpaliban na lang eleksyon kung hindi matitiyak na magiging automated ito. 

“Kahapon ako ay nasa Comelec, nagtatanong-tanong ako. Hindi ako makakuha nang sapat na kasagutan. Ngumingiti lang ang mga tinatanong ko. Sa aking palagay, kailangan talagang paghandaan ‘yan kasi kung babalik tayo sa manual, kalimutan na natin ang isang malinis na halalan,” sabi ni Macalintal. 

“Kung kailangan i-postpone muna ang halalan para matuloy lamang ang automated, dapat gawin ‘yan ng Commission on Elections. Kung sasabihin nila na bumalik na lang tayo sa manual kasi wala na tayong oras para sa automated I would rather na ma-postpone ang halalan kaysa bumalik tayo sa manual elections.”

Dapat aniyang paspasan ng Comelec ang kanilang bidding requirements at pagtukoy kung muling gagamitin ang precinct count optical scan (PCOS) machines o mangangailangan ng mga bagong makina. 

Samantala, tutol si Macalintal sa mungkahing hybrid elections na pagsasamahin ang manual at computerized election systems.

Aniya, “‘Yung sinasabi nilang hybrid, combination ng manual at electronic, napakahabang proseso n’yan. ‘Pag nagkaroon tayo ng hybrid o partly manual, kakailanganin mo ang 300,000 precincts all over the country. Bawat isang presinto, tatlong teachers, so you need 900,000 teachers.”

Sa ilalim ng sistema, kakailanganin din tutukan ng Comelec ang pagsasanay sa mga kawani at guro na magbabantay sa eleksyon gayondin ang bidding process sa mga kagamitang kailangan dito.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *