Sunday , December 22 2024

Pag-angat ni Poe dedma sa Palasyo (Sa Pulse Asia survey)

IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ng Palasyo ang pangunguna ni Sen. Grace Poe sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey sa 2016 presidential bets.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., bagama’t ang resulta ng survey ay nagpapahiwatig kung sino ang napupusuang kandidato ng mga mamamayan, hindi prayoridad ng administrasyong Aquino ang 2016 elections.

Nakatuon aniya ang atensiyon ng Pangulo at ng gabinete sa pagpapatupad ng “priority development and reform programs” na magtitiyak na walang mapag-iiwanan sa tinatamasang pag-unlad ng ekonomiya.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Aquino na ihahayag niya ang kanyang 2016 presidential bet makaraan ang kanyang huling State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 27.

Base sa Pulse Asia survey, nagtala si Poe ng 30% suporta mula sa publiko habang si Vice President Jejomar Binay ay nakakuha ng 22 porsiyento.

Pumangatlo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 15%, Interior Secretary Mar Roxas at ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na may tig-10 porsiyento.

Habang si Senator Miriam Defensor Santiago ay nakakuha ng 6 %, Majority Leader Alan Peter Cayetano at dating Senator Panfilo Lacson ay parehong dalawang porsiyento.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *