Thursday , January 9 2025

C/Supt. Nana, 7 pulis pa kinasuhan sa Sandiganbayan (Press Freedom binastos)

nana tangdol ibayNAKATAKDANG sampahan ng kaso sa Sandiganbayan ang hepe ng  Manila Police District,  hepe ng NAIA PNP- Aviation and Security Group, at anim na opisyal pang pulis ng MPD kaugnay sa ilegal na pag-aresto sa dating presidente ng National Press Club sa kasong libel nitong nakaraang Abril, araw ng Linggo ng Pagkabuhay, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ang pagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan ay isasagawa ng Ombudsman sakaling hindi sagutin nina District Director C/Supt. Rolando Nana, Chief Inspector Edgar Rivera ng NAIA ASG, P/Senior Inspector Rosalino Ibay Jr., P/Senior Inspector Salvador Tangdol, PO3 Alvin Alfaro, PO2 Teraña at dalawa pang hindi nakikilalang pulis, ang reklamo laban sa kanila sa loob ng sampung (10) araw.

Ang walo ay inireklamo ng Misconduct, Conduct Prejudicial to Best Interest of the Service  sa Ombudsman ng mamamahayag na si Jerry Yap, kolumnista at publisher ng diyaryong HATAW at dating presidente ng National Press Club.

Bilang tugon sa reklamo, naglabas ng kautusan ang Tanggapan ng Ombudsman kina Ibay, Nana, Rivera at lima pang opisyal ng MPD na sagutin sa loob ng 10 araw ang reklamong isinampa laban sa kanila.

Sa kanyang kautusan, nakakita si Office of the Deputy Ombudsman for Military and Other Law Enforcement Offices director Dennis Garcia nang sapat na merito sa complaint-affidavit na isinampa ni  Yap laban kay Ibay at kanyang mga co-respondents bilang “sufficient in form and substance.”

Nag-ugat ang reklamo ni Yap laban sa nasabing mga opisyal ng pulisya sa pag-aresto sa kanya nina Tangdol noong Abril 5  (2015), araw ng Linggo ng Pagkabuhay sa NAIA Terminal 3, base sa warrant of arrest na inilabas ng korte laban sa HATAW publisher sa kasong libel.

Ipinunto ni Yap na ang pagdakip sa kanya ay naging dahilan ng matinding agam-agam at kahihiyan.

Lalo na sa panahong mayroong memorandum of agreement (MOA) ang PNP at media bilang proteksiyon laban sa aprehensiyon lalo na kung libel ang kaso.

Sinabi ni Yap, ang pag-aresto sa kanya, isang araw ng Linggo, sa isang pampublikong lugar kasama ang kanyang pamilya ay tahasang paglabag sa kanyang  karapatang pantao na malinaw na isinasaad sa The Bill of Rights, Artikulo III sa Saligang Batas ng ating bansa.

Tahasang paglabag din ito sa kalayaan sa pamamahayag lalo’t si Yap ay dinarakip sa kasong libel, na isinampa ng isang police official.

Aniya, ito ay malinaw na harassment sa hanay ng mga mamamahayag.

Ang pagdakip kay Yap sa araw ng Linggo ay kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), College Editors Guild of the Philippines (CEGP), International Federation of Journalists at Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) at iba pang organisasyon na nagtataguyod ng kalayaan sa pamamahayag.

“With the findings of the Ombudsman that the complaints I filed against the policemen who arrested/harassed me on Easter Sunday are sufficient in form and substance, I fervently hope that justice will be served,” pahayag ni Yap. 

Jethro Sinocruz

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *