Sunday , May 19 2024

Mag-ama todas sa trailer truck

HINDI na umabot nang buhay ang isang mag-ama makaraan sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang trailer truck sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.

Sa ulat ni Insp. Erlito Renegin, hepe ng Quezon City Police District Traffic Sector 1, kinilala ang mag-amang sina Edwin Aningalan, 58, at Albert, 32, kapwa residente ng Caloocan CIty.

Habang sumuko ang driver ng truck na si Romnick Alduesa, ng Mandaluyong city.

Nangyari ang insidente sa kanto ng Araneta Avenue kanto ng Quezon Avenue, Brgy. Sto. Domingo, dakong 3:30 pm.

Sakay ng kanilang motorsiklo ang mag-ama at binabagtas ang Araneta Avenue ngunit pagsapit sa kanto ng Quezon Avenue biglang dumating ang trailer truck na may kargang container van, na nagresulta sa pagsalpok dito ng sasakyan ng mag-ama.

Isinugod ang mga biktima sa EAMC ngunit hindi na umabot nang buhay.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *