Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

9 babaeng Cebu dancing inmates sinaniban ng bad spirits?

061015 FRONTCEBU CITY – Iba’t ibang mga opinyon mula sa simbahan at sa mga doktor ang nangyari sa siyam na babaeng inmates na sinasabing sinaniban ng masasamang espirito.

Ayon kay Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center-Jailgurad Vernon Cañete, siyam na inmates ang naging wild at nag-iba ang boses.

Ayon kay Cañete, ang mga sinaniban ay nahaharap sa kasong ilegal na droga.

Una rito, kamakalawa ay nabulabog ang mga jailguard nang narinig sa selda ang pagsigaw ng nasabing inmates.

Humingi ng tulong ang pamunuan ng CPDRC sa isang pari at sa mga doktor mula sa provincial health office.

Ayon kay provincial health officer Dr. Cristina Diango, nakaranas lang nang sobrang carbon dioxide sa katawan ang inmates.

Habang isinagawa ng pari ang isang ritwal at ipinagdasal ang mga biktima sa loob ng kapilya sa jail facility.

Nabatid din na naging boses lalaki ang ilan sa mga sinaniban.

Sinasabing nagagalit ang mga engkanto makaraan galawin ang talangka sa loob ng kweba.

Tatlong inmates na lamang ang patuloy na mino-monitor ng mga doktor at ng pari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …