Monday , March 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lambat-sibat ni Roxas, patok

 

060215 FRONTILANG buwan pagkatapos ipag-utos ni DILG Secretary Mar Roxas ang ‘Oplan Lambat Sibat’ laban sa mga wanted criminals, nakikita na ang magandang resulta nito sa mga lugar na sinasakupan ng PNP-Calabarzon.

Ayon kay PRO IV-A Chief Supt. Richard Albano, pagkatapos nang mahigit isang buwang implementasyon ng Lambat-Sibat ay nakaaresto ng 1,147 drug pushers ang pulisya at 52 kataong napapabilang sa Most Wanted Persons list din ang nasakote sa ilalim ng programa. 

Ang strategy na ito ng  DILG at PNP ay umani ng papuri at magandang resulta sa National Capital Region (NCR) dahil nakalahati nito ang crime rate linggo-linggo. Sa Calabarzon ay bumaba ang linggohang antas ng bilang ng mga krimen sa 103 insidente mula sa dating 169 bago ipatupad ang Lambat-Sibat.

Ang Oplan Lambat Sibat ay isa sa mga programa ng PNP sa ilalim ni Roxas, na tinatawag na “deliberate, programmatic and sustained” ang mga operasyon ng pulisya at base na rin sa “scientific crime reporting.”

“Bawal na ngayon ang bara-bara, ang bahala na system,” sabi ni Roxas.

Iilan lamang sa mga panlaban-krimen ang checkpoints, mobile at beat patrols, operations laban sa mga riding-in-tandem at sa mga ilegal na baril. Sa Calabarzon pa lamang ay tinatayang 328 assorted firearms at 1,661 motorsiklo na ang nakompiska sa Lambat-Sibat operation.

Sa flag raising ceremony kahapon ng umaga sa Camp Vicente Lim, binigyang papuri ni  Roxas ang PNP-Calabarzon sa matagumpay na pagsasagawa ng Lambat-Sibat. Dalawampu’t walong pulis ang binigyan ng ‘Medalya ng Kagalingan at Kasanayan’ para sa kanilang kontribusyon sa matagumpay na operasyon.

Pinasalamatan din ni Roxas ang 1,800 bagong recruit mula sa Philippine Public Safety College dahil sa pagpili nila sa buhay ng paglilingkod sa bayan. “Kakaiba ang pinili ninyong trabaho. Kapag may sunog o krimen, ang mga tao, tumatakbo palayo sa insidente. Pero kayo, tumatakbo kayo papunta sa insidente,” sabi niya.

 Tiniyak ni Roxas sa pulisya na patuloy ang pagtulong ng national government sa kanilang mga pangangailangan para magawa nila nang mabuti ang kanilang mga tungkulin.

“Nandito tayo para matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan at tiyakin ang kanilang seguridad. Hinding-hindi namin kayo iiwan,” pangako ni Roxas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Archi Adamos Arron Villaflor Pater Noster

Pater Noster hitik sa aksiyon, pagiging ama tinalakay

HARD TALKni Pilar Mateo PALABAS na sa mga sinehan ang Pater Noster na nagkaroon ng premiere kamakailan. …

Engr Gaspar Escobar Jr ICSC Teddy Brul

Ipaglaban matatag at makabayang sistema ng enerhiya – ICSC

PANAYAM kay Engr. Gaspar Escobar, Jr., grid modernization advisor ng Institute for Climate and Sustainable …

We Stannin HARD Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We Stannin’ HARD: Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We are all about that stan life. A new album from a rising artist? Fanboy/fangirl …

QCPD Quezon City

Pagkonsumo ng koryente, nilimitahan ng QCPD

BILANG suporta sa deklarasyon ng State of National Energy Emergency, nilimitahan ng Quezon City Police …

Setting the scenes for Mindanaos main characters at SM Supermalls

 Setting the scenes for Mindanao’s main characters at SM Supermalls

Let’s be honest, Mindanao–we’ve never been background characters. There’s a certain confidence in the way …