Friday , January 3 2025

PNoy pusong bato? (Kentex fire victims ‘di pinuntahan)

HINDI ‘pusong bato’ si Pangulong Benigno Aquino III kahit hindi siya nagpunta sa nasunog na Kentex Manufacturing Inc., sa Valenzuela City at walang pinuntahan ni isang burol ng 72 obrerong namatay sa trahedya.

Ito ang sagot kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa akusasyon ng ilang labor groups, muli umanong ipinakita ng asenderong Pangulo ang kawalan ng habag at malasakit sa mga manggagawa sa bansa.

Nagkataon lang aniya na abala at maraming inaasikaso ang Punong Ehekutibo ngunit patuloy na tumatanggap ng report mula sa mga opisyal na nakatutok sa insidente.

“Simula’t sapol ay tinutukan ito ng Pangulo, patuloy na imino-monitor at patuloy siyang tumatanggap ng ulat mula kina Sec. Baldoz at Sec. Roxas. Nagkataon lang na talagang maraming inaasikaso at nandoon din ang tagubilin sa mga ahensiya na magpahatid ng kinauukulang tulong at suporta,” ayon kay Coloma.

Magugunitang inulan ng batikos ang hindi pagsalubong ng Pangulong Aquino sa mga labi ng SAF 44 sa Villamor Airbase noong nakaraang Enero at ang hindi niya pakikiramay sa pamilya ni Jennifer Laude na pinaslang ni Joseph Scott Pemberton noong Oktubre 2014 sa isang motel sa Olongapo City.

Ngunit dalawang oras makaraan atakehin ng Martilyo Gang ang jewelry section ng SM North noong Disyembre 2013 ay agad nagtungo ang Pangulo sa crime scene, at mabilis din siyang nagresponde sa sumabog na Two Serendra Condominium sa Bonifacio Global City sa Taguig City noong Mayo  2013.

Sinasabing ang may-ari ng SM na si Henry Sy at ang mga Ayala na may-ari ng Two Serendra ay parehong nag-ambag nang malaki sa campaign kitty ni Pangulong Aquino noong 2010 presidential elections.

Rose Novenario

Paglabag sa safety  standards  gagawing krimen

PARA sa isang mambabatas, dapat maging “top priority” ng Kamara at Senado ang pagtatakda bilang krimen sa mga paglabag sa work safety at health standards. 

Ito’y kasunod ng pagkamatay ng 72 indibidwal sa sunog na lumamon sa pabrika ng Kentex Manufacturing Corp. noong Mayo 13. 

Inihayag ni House Comittee on Labor and Employment chairman Rep. Carlo Nograles, “Ang panawagan nga po, ang Labor Code dapat mayroong separate criminal penal provision doon sa Occupational Safety and Health Standards (OSHS), lalong-lalo na kung may mga trabahador o manggagawa na na-injure at namatay.”

Aniya, kasong reckless imprudence resulting in homicide o multiple homicide lang ang pinakamabigat na pwedeng ihabla laban sa mga lugar paggawa na susuway sa OSH, batay na rin sa Revised Penal Code. 

Tiniyak ni Nograles na nasimulan na ng kanyang komite ang pagsasabatas sa criminalization ng paglabag sa OSH at sa katunayan ay naisalang na sa unang pagdinig ang apat na panukalang humihiling nito. 

Nagtalaga na rin ang House Comittee on Labor and Employment ng technical working group na pag-iisahin ang mga naturang House bill. 

Target din nina Nograles na amyendahan ang proseso ng paggawad ng fire safey permit sa mga pagawaan.

Kentex fire iimbestigahan sa Senado

INIHAIN sa Senado ang isang resolusyong nanawagan na imbestigasyon ang nangyaring sunog sa pagawaan ng tsinelas na pag-aari ng Kentex Manufacturing Corp., sa lungsod ng Valenzuela na ikinamatay ng 72 manggagawa noong Mayo 13.

Sa kanyang inihaing Senate Resolution No. 1365, sinabi ni Sen. Bongbong Marcos dapat imbestigahan ang pangyayari upang makabuo ng mga panukalang batas na naglalayong maiwasan ang mga kahalintulad na trahedya sa hinaharap.

“We need to strengthen existing laws on safety and health in the workplace to prevent a repeat of what the ILO itself has described as a preventable accident,” ayon kay Marcos.

Nasunog na Kentex Factory ipinagigiba na

INIREKOMENDA ng Inter-Agency Anti-Arson Task Force na gibain na ang nasunog na pabrika ng tsinelas ng Kentex Manufacturing Corporation sa Valenzuela City.

Katuwiran nito, hindi na matibay at nanganganib nang bumagsak ang gusali makaraan ang malaking sunog na ikinamatay ng 72 manggagawa. 

Inihirit ng task force na i-demolish ang pabrika makaraan ang imbestigasyon doon. Samantala, naikuwento ng mga miyembro ng Inter-Agency Anti-Arson Task Force na nagpaparamdam ang ilang biktima ng sunog kapag nagsasagawa sila ng imbestigasyon sa pabrika. 

About hataw tabloid

Check Also

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

QCPD Gera vs bawal na paputok

Gera vs bawal na paputok, ipatutupad ng QCPD para  sa ligtas na Bagong Taon

MAHIGPIT na ipatutupad ng Quezon City Police District (QCPD), sa pangunguna ni Acting District Director …

Sa Bulacan KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

Sa Bulacan  
KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

SA PAGSISIKAP na matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang ilegal na paggamit ng …

Chavit Singson e-jeep

Inilunsad na e-jeep ni Manong Chavit pinakamura sa merkado

ISINAPUBLIKO na ni dating Ilocos Sur Governor at businessman Luis “Manong Chavit” Singson ang bersiyon …

Sunog sa multi-story building sa Dubai mabilis na naapula, walang casualties

Sunog sa multi-story building sa Dubai mabilis na naapula, walang casualties

SA LOOB ng tatlong minuto mabilis na nagresponde ang mga bombero at ambulansiya sa multi-story …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *