Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tinalikuran ni Grace si FPJ

EDITORIAL logoKUNG tatanggapin ni Sen. Grace Poe ang inaasahang nominasyon ni Pangulong Noynoy Aquino bilang vice presidential candidate ng Liberal Party (LP) sa 2016 elections, kasingkahulugan ito ng pagtataksil sa inumpisahang laban ng kanyang amang si  Da King Fernando Poe, Jr.

Ang milyon-milyong supporter ni FPJ ay umaasa kay Grace na kanyang ipagpapatuloy ang naudlot na laban ng kanyang ama, at hindi ito sa pamamagitan ng pagtakbo bilang bise presidente kundi bilang pangulo sa darating na halalan.

Kailangan tapusin ni Grace ang naiwang laban ni FPJ at  hindi niya kailangan magpadikta kay PNoy sa kung ano ang kanyang nararapat na takbuhin. Nasa kamay ng mga supporter ni FPJ ang katuparan ng mithiing iniwan nito at wala sa kamay ni PNoy.

Hindi si PNoy o LP ang makapagpapasya sa kung sino ang hihiranging pangulo ng Pilipinas sa nakatakdang pambansang eleksiyon. Ang pananalig sa masang Pilipino ang dapat panghawakan ni Grace at hindi ang administrasyon ni PNoy na batbat ng kontrobersiya at katiwalian.

Pero mukhang nagbago na si Grace. Unti-unti nang nilalamon ng sistema si Grace at tila nakalimutan na niya ang ipinaglaban ng kanyang amang si FPJ. Asan na ang sinasabi ni Grace na… “Ang inumpisahan ng tatay ko, ipagpapatuloy ko!” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …