Sunday , December 22 2024

Kompensasyon sa Vale fire victims giit ng PAMANTIK-KMU

VALENZUELA FIRENAKIISA ang grupong Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) sa pamilya ng mga biktima ng sunog sa pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City, sa panawagang pagkakaloob sa kanila ng makatarungang kompensasyon.

Gayon din, sinabi ni Roque Polido, chairperson ng PAMANTIK-KMU, nananawagan sila na dapat itaas ang kalidad ng pangangalaga sa kaligtasan ng manggagawa sa loob ng pabrika upang maiwasan ang mga kahalintulad pang trahedya at panganib sa buhay ng manggagawang Filipino na siyang bumubuhay sa ekonomiya ng bansa.

Taos-pusong nakikiramay ang buong kasapian ng PAMANTIK-KMU sa mga pamilya ng mga biktima ng sunog sa isang pagawaan ng tsinelas sa Valenzuela nitong Mayo 13, 2015.

Anila, isang malagim na trahedya para sa maralitang Filipino ang biglang mawalan ng nagta-taguyod sa pagsustento para sa pang-araw-araw na pangangailan pamil-ya.

“Ang nangyaring sunog na kumitil sa kompirmadong 31 katao na karamihan ay kababaihan (at pinangangambahang umakyat pa sa 70 dahil ‘nawawala’ o hindi na makilala pa mula sa natupok na apoy) – ay kung tutuusin hindi lamang isang aksidente kundi may pananagutan dapat ang may-ari ng pagawaan lalo na ang Department of Labor and Employment (DoLE) ng gobyernong Aquino,” pahayag ng grupo.

Binigyang-diin nilang kapuna-puna na pinaniniwalaang mula sa isang “pagsabog ng mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng tsinelas” ang pinagmulan ng sunog.

Nakompirma anilang walang fire escapes ang mismong gusali kaya’t nakulong ang karamihan sa mga manggagawa sa ikalawang palapag hanggang tuluyang lamunin sila ng apoy.

“Maiuugat natin ang ganitong mga kapabayaan sa usapin ng occupational health at fire safety standards dahil sa kawalan ng inspeksyon ng DoLE sa mga pabrika upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga manggagawa. Sa tala nga ng International Labor Organization, sa bawat 15 segundo ay isang manggagawa ang namamatay dahil sa disgrasya o sakit na nakukuha sa loob ng lugar ng pagawaan,” dagdag ng grupo.

Ngunit imbes mapababa anila ang estadistikang ito, dahil sa ipinatupad ng DoLE na Department Order 57-04, nagkibit-balikat na lamang ang ahensiya sa kanilang responsibilidad sa mga manggagawa. Hinayaan ng DoLE ang mga pagawaang nag-eempleyo ng 200 katao o higit pa na maglunsad na lamang ng “self-assessment” hinggil sa occupational health and safety ng kani-kanilang mga pagawaan.

Sa Timog Katagalugan (TK) anila, talamak ang mga pagawaang hindi nagpapatupad ng mga patakarang mangangalaga sa kaligtasan ng mga manggagawa. Lalo na sa bahagi ng mga kontraktwal na manggagawa na hindi binibigyan ng Personal Protective Equipment, hindi sinasanay upang magkaroon ng kaalaman hinggil sa panganib ng mga kemikal na kanilang ginagamit sa paggawa, at hindi ipinagkakalooban ng mga nararapat na benepisyo.

Vale fire iniimbestigahan ng DOLE

INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Labor and Employment (DoLE) sunog sa pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City. 

Sinabi ni Engr. Jose Mariano Batino, deputy executive director ng DOLE Occupational Safety and Health Center, mayroong team at dalawang engineer na mangunguna sa accident investigation ng kagawaran. 

Kabilang aniya sa titiyakin ay kung mayroong “hot work” permit ang Kentex Manufacturing nang magsagawa ng welding na natalsikan ng baga ang nakaimbak na kemikal na nagpaliyab dito.

“Sana makita ho sa imbestigasyon kung ano talaga ang naging sanhi o dahilan nito at hopefully na huwag na pong maulit sa pagawaan na ito at iba pang lugar ng paggawa,” ani Batino

Iminungkahi ng opisyal na magtalaga ng Safety and Health Committee ang lahat ng pagawaan para mabantayan ang mga work hazard at maiwasan ang mga sakuna. 

Nabanggit ni Batino na batay sa Fire Code of the Philippines, dalawang fire drill kada taon ang dapat isinasagawa sa mga pagawaan at iba pang establisimento. 

Samantala, inilahad ni DoLE Secretary Rosalinda Baldoz na nakasunod ang Kentex Manufacturing sa General Labor Standards (GLS) hanggang noong Setyembre 2014. 

May workers’ union at Safety and Health Committee din anya ang kompanya. 

Gayon man, tiniyak ng kalihim na pag-aaralan nila ang mga posibleng pananagutan ng kompanya na pagbabasehan ng pagsasampa ng kaso laban sa mga may-ari nito. 

Iginiit din ni Baldoz na dapat maibigay ng kompanya ang mga benepisyong laan sa mga empleyado nito.

Leonard Basilio

May dapat managot sa trahedya — DILG

TINIYAK ni DILG Secretary Mar Roxas na mananagot kung sino man ang may kapabayaan sa nangyaring trahedya sa pagkasunog ng isang pabrika sa Valenzuela City.

Sinabi ni Roxas, tututukan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at PNP ang naturang kaso.

Kasabay nito, kanya ring ipinaabot ang pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima. Tumutulong na ang SOCO at CIDG sa kaso.

Inspeksiyon sa factories paigtingin — PNoy

INIUTOS ni Pangulong Benigno Aquino III  na  paigtingin ang inspeksiyon sa mga pabrika sa bansa makaraan ang malagim na sunog sa pabrika ng tsinelas sa Bgy. Ugong, Valenzuela City kamakalawa.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., determinado ang pamahalaang Aquino na tiyakin ang kaligtasan ng mga manggagawa sa pabrika sa bansa.

Dapat aniyang tiyakin ng kaukulang ahensiya ng pamahalaan ang mahigpit na pagsunod sa occupational safety and health standards upang hindi na maulit ang trahedya sa Kentex manufacturing company.

“Government is firmly determined to intensify inspection of factories to ensure strict compliance with occupational safety and health standards and prevent a repetition of the Kentex fire and similar disasters that pose grave danger to the safety and lives of Filipino workers,” pahayag ni Coloma.

Ikinalungkot din aniya ng Palasyo ang pagkamatay ng maraming manggagawa sa nasabing factory ng tsinelas.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang DOLE sa BFP para alamin ang mga paglabag ng Kentex sa safety regulations para papanagutin sa insidente.

Kasunod ng direktiba ni Pangulong Aquino, sinabi ni Coloma na mas pinag-ibayo ng DoLE ang kampanya sa compliance sa labor law standards.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *