Monday , December 23 2024

PH, Norwegian envoy, 4 pa patay sa chopper crash sa Pakistan  

FRONTISLAMABAD, Pakistan – Kabilang ang ambassador ng Filipinas at Norway sa anim kataong namatay nitong Biyernes nang bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter sa isang paaralan sa northern Pakistan, ayon sa tweet ng army.

Sina Leif H. Larsen, Norwegian envoy, at Domingo D. Lucenario Jr. ng Filipinas, ay kabilang sa mga namatay kasama ng mga misis ng Malaysian at Indonesian ambassadors, gayondin ang dalawang piloto ng helicopter.

Sa naunang ulat ng AFP, apat katao ang namatay, kabilang ang dalawang piloto at dalawa sa tatlong foreigners, nang bumagsak ang helicopter sa isang paaralan sa northern Pakistan, ayon sa opisyal, nagbabalang maaaring tumaas pa ang bilang ng casualties.

Ayon sa mga opisyal,  ang sitwasyon ay “urgent” makaraan ang helicopter – kabilang sa tatlong sinasakyan ng delegasyon ng foreign diplomats at kanilang aides, ay bumagsak sa paaralan habang naroroon sa loob ang mga mag-aaral.

“Update Naltar: info so far; two pilots and two-3 foreigners fatalities. Thirteen survivors with varying degree of injuries,” tweet ni Asim Bajwa, spokesman ng Pakistan army.

Ang convoy ng tatlong helicopters ay may lulang delegasyon ng foreign diplomats at kanilang aides patungo sa Pakistan Gilgit-Baltistan territory, bahagi ng ‘disputed’ Kashmir region.

“It was a diplomatic trip with members of 37 countries in total,” ayon sa isang pasahero ng isa sa mga helicopter, na hindi nagpakilala, idinagdag na nasunog ang paaralan makaraan ang crash.

“We have been told to send in as many ambulances as we can because the situation there is urgent,” ayon sa senior official.

Ang mga sugatan ay inilipad sa military hospital sa Gilgit, ang administrative capital ng rehiyon, 50 kilometro patungo sa southwest, dagdag ng isa pang senior local police official.

Sa lungsod ng Gilgit, sinabi ng hospital official, ang mga sugatan ay dinala sa emergency ward ng Combined Military Hospital. (rappler.com)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *