Sunday , April 28 2024

5 QC cops, asset sangkot sa hulidap

LIMANG mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isinasangkot sa pagdukot, tangkang pangingikil, at pagbugbog sa isang vendor sa Cubao, Quezon City.

Tatlo sa limang pulis na nabanggit ang inaresto ng kanilang kabaro sa isinagawang rescue operation sa nasabing lugar.

Sa pulong balitaan, kinilala ni Chief Supt. Joel D. Pagdilao, ang tatlong nadakip na sina PO1 Crispin Cartagenas, nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU); PO1 Israel Cerezon, at PO1 Emmanuel Tabora, kapwa nakatalaga sa Cubao Police Station 7.

Nadakip din ang civilian asset ng grupo na si John Mark Castañeda, 32, ng 171 Sitio Maningning, Brgy. San Isidro, Montalban, Rizal.

Ayon kay Pagdilao, agad din niyang ipinag-utos ang manhunt operation sa dalawa pang pulis na sina PO1 Christian Felipe at PO2 Antonio Timorio,

Ang kaso sa limang pulis at isang sibilyan ay bunga ng reklamo ni Rey Manlapaz, ng 356 Roman St., Brgy. Balumbato, San Juan City, dinukot at illegal na ikinulong sa Arayat, Cubao. Sinasabing binugbog pa ang biktima ni PO1 Tabora.

Sa imbestigasyon, nitong Mayo 5, dakong 9 a.m.  sinamahan ng mga pulis-San Juan City si Zaldy, kapatid ng biktima, sa Cubao  PS-7 para alamin kung saan dinala si Rey na dinampot ng nagpakilalang pulis-QC dakong 2 a.m. sa San Juan.

Nakatanggap din si Zaldy ng text na ipinatutubos ng P30,000 ang kanyang kapatid sa Arayat Market, Cubao kaya agad nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng PS 7 na nagresulta sa pagkaaresto sa tatlong pulis at sa civilian asset.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

C5 Quirino flyover Villar

Sa Las Piñas  
C5 EXT. QUIRINO FLYOVER BINUKSAN SA MOTORISTA

BINUKSAN sa mga motorista ang C5 Quirino flyover, C5 extension sa lungsod ng Las Piñas. …

itak gulok taga dugo blood

2 anak pinagalitan,
BABAE PATAY SA TAGA NG AMA

PATAY ang isang 27-anyos babae matapos tagain ng kanyang ama dahil sa hindi pagkakaintindihan sa …

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *